Benjamin Alves defends Pia Wurtzbach against bashers: "Sana lang they'll just be happy for her."

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves maintains high regard for Pia Wurtzbach even when they've lost touch with each other, saying, "Wala naman po kasing rason para magbago ang opinyon ko sa kanya… hindi naman po nagbago si Pia."


Kahit wala nang komunikasyon si Benjamin Alves kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay magkaibigan pa rin daw sila.

Ayon sa Kapuso actor, “We’re still friends, we’re still very good friends. I have her number.”

Pero hindi raw sila magka-text kahit pareho silang nasa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud.

Nababanggit pa rin ang pangalan ni Pia sa mga panayam kay Benjamin dahil minsan nang napabalitang nagkaroon sila noon ng mutual understanding.

Ngayon ay kasintahan na ng dating Miss Universe ang race car driver na si Marlon Stockinger, at masaya naman daw si Benjamin para kay Pia.

Aniya, “We’re not able to communicate, [but] I know that she’s very happy now, very inspired as well.

“Wala naman po kasing rason para magbago ang opinyon ko sa kanya.

“I’m just very, very happy for her our friend.”

Dagdag pa ni Benjamin, “Sa mga sinasabi sa akin nina Jonas and everybody, like our handlers, hindi naman po nagbago si Pia.”

Pero may mga naninira sa dalaga, na kesyo sa itinakbo ng reign nito bilang Miss Universe ay nakadalawang boyfiends daw agad ito.

Ang tinutukoy ay Russian-born doctor na si Mikhail Varshavski o Dr. Mike at si Marlon nga.

Reaksiyon dito ni Benjamin, “I don’t know about that… I think people assumed too much.

“Maybe parang entitled sila dahil siya ang Miss Universe natin to give their opinion about her love life.

“Pia doesn’t owe that side of her, she just likes to share with her fans… sana lang they’ll just be happy for her.”

“Pia is a very strong woman, kaya nga siya nanalo, kaya nga siya ang Miss U natin, e.

“That won’t affect her at all, she’s able to be graceful above that.”

ON JULIE ANNE... Si Benjamin ay masaya rin naman sa espesyal na tinginan nila ni Julie Anne San Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pinaka nagustuhan niya sa kanyang co-star at leading lady sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa?

Saad ng aktor, “Given na po yung malapit siya sa pamilya niya and things like that.

“Siguro yung kung ano pong meron kami, it still continues to grows.

“Like, our bond still continues to grow, we don’t limit each other.

“Kasi merong ganun minsan, parang pag nagkakakilala na, parang may mga restrictions.

“Na kailangan ganitong oras umuwi ka sa bahay, or ‘Bakit hindi ka pa nagte-text?’

“Basta parang magaan po siyang kasama, masaya po siyang kasama.

“Wala pong parang… alam nyo po yun, parang very natural, it just feels very natural when I’m with her.”

Ano ang gusto niya kay Julie Anne sa physical aspects?

“I think it’s her lips. Pag nag-eeksena po kami, iyon po yung lagi kong tinitingnan, lalo na pag kumakanta siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN