Martin del Rosario reveals why he does not like birthday parties

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario has just turned 24 and, according to him, "Parehas pa rin naman, wala namang pagbabago."

 


Ngayong 24 years old na si Martin del Rosario, may malaki bang pagbabago sa buhay niya?

Tugon ng Kapuso actor, “Parehas pa rin naman, parehas pa rin, wala namang pagbabago.”

Sa Coron, Palawan, daw ipinagdiwang ng aktor ang kanyang kaarawan noong nakaraang taon. Limang araw siya doon kasama ang mga kaibigan.

First time lang niya sa Coron at ito raw ang regalo ni Martin sa sarili niya.

Ano naman ang espesyal na regalong natanggap niya mula sa mga mahal niya sa buhay?

“Ako naman, mula noong bata ako, hindi ako nagpa-party talaga, e.

“Ayoko lang nung parang ako ang sentro… parang nakaka-pressure.

“Pag birthday ko talaga or yung mismong salubong, sa bahay lang ako kasama ang family.

“Parang, ‘Happy birthday, Mart!’ Ni wala ngang kain-kain!” at tumawa ang Kapuso hunk.

Dugtong pa ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa actor, “So hindi ko rin naman nakanasayan na may nagbibigay ng regalo.

“Minsan naman sa dami ng gifts, parang… special lahat.”

Nakaranas naman na raw siyang sinorpresa bilang pagsalubong sa kaarawan niya.

Pero aniya, “Parang na-stress ako kasi, parang feeling ko, kailangan kong asikasuhin yung mga tao, i-entertain.

“Tapos, after, parang pagod na pagod ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN