Ronwaldo Martin admits basking in kindness and generosity of brother Coco

IMAGE Ronwaldo Martin Facebook / Mark Atienza

Ronwaldo Martin relates how his Kuya Coco keeps a tight grip on his family: "Kahit na sobrang busy siya at hindi namin siya madalas na makita, nagpapaalala pa rin siya sa amin… text messages, minsan tatawag siya. Hindi raw porke't hindi namin siya nakikita nang madalas ay nakalimutan na niya kami."


Walang masasabing hindi maganda ang indie actor na si Ronwaldo Martin sa kanyang kapatid na si Coco Martin.

Napakabait at sobrang generous daw ng Kuya Coco niya.
    
Bukod sa binili nitong bahay sa Novaliches, kunsaan nakatira si Ronwaldo at ang ama nila, binigyan pa raw siya ni Coco ng sarili niyang kotse.
    
Aminado si Ronwaldo na waldas siya sa pera.

Lahad ng binata, “Gusto ko rin po na si Kuya ang humawak ng pera ko kasi magastos po ako, e.

“Kapag nakantiyawan ako ng mga kaibigan ko sa amin, mabilis akong manlibre sa kanila.

“Pinagsabihan ako ni Kuya na walang masama sa manlibre sa kaibigan, pero dapat may limit.

“Hindi raw kasi araw-araw Pasko. Kailangan maging maingat ako sa mga kinikita ko.

“Kaya ako na ang nagsabi kay Kuya na siya na humawak ng mga pera ko para maipon siya.

“Kapag may kailangan ako, sinasabi ko po sa kanya, at magbibigay siya ng pera na galing sa kanya.

“Binibigyan po ako ni Kuya ng allowance kapag may shooting ako, hindi niya ito kukunin sa savings ko.”

Pinagbukas din daw siya ni Coco ng savings account para magkaroon ng ipon sa bangko.

“Si Kuya rin kasi ang bahala sa mga gastusin sa bahay, tulad ng kuryente, tubig, groceries.

“Kaya wala po kaming nagiging problema,” kuwento pa ni Ronwaldo sa press conference ng Sinag Maynila Film Fesival entry na Bhoy Intsik, sa Luxent Hotel, noong March 2.

UNDER COCO’S WINGS. Nabawasan na rin daw ang katigasan ng ulo ni Ronwaldo dahil alam niyang istrikto ang kanyang Kuya Coco.

Grabe raw kasing magalit ito.

Lahad niya, “Noon kasi makulit ako, pasaway ako, kaya parati akong napapagalitan ni Kuya.
    
“Ngayon, medyo nag-mature na po tayo, hindi na ako napapagalitan.
    
“Pinagsasabihan na lang niya ako na pangalagaan ko ang sarili ko kasi kilala na ako bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na sobrang busy siya at hindi namin siya madalas na makita, nagpapaalala pa rin siya sa amin.

“Kahit na sa pamamagitan ng text messages, minsan tatawag siya.

“Hindi raw porke’t hindi namin siya nakikita nang madalas ay nakalimutan na niya kami.”
    
Personal manager din ni Ronwaldo ang kanyang Kuya Coco.

Mas gusto raw nitong mag-concentrate siya sa paggawa ng mga pelikula kaysa magteleserye.

Marami nang indie films na nagawa si Ronwaldo na napadala na sa iba’t ibang film festivals, tulad ng Captive, Ari: My Life With A King, Laut, Tuos, at Pamilya Ordinaryo na nanalo ng maraming awards.
    
Aniya, “Si Kuya rin kasi ang nagdedesisyon sa mga gagawin kong projects.

“May mga offers po na isama ako sa mga teleserye, pero si Kuya ang tumatanggi.

“Mas gusto niyang gumawa lang ako muna ng movies at huwag muna ako magteleserye.
 
“Gusto rin po ni Kuya na magtapos ako ng pag-aaral.

“Ikatutuwa raw niya kapag dumating ang araw na tatanggap ako ng college diploma.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN