Paolo Contis not in a hurry to settle down with girlfriend LJ Reyes

IMAGE Noel Orsal

Paolo Contis and LJ Reyes, together, are making right what had gone wrong in their previous relationships, respectively. He says, "She made that mistake before and I made that mistake before of doing things very fast."


Masayang-masaya si Paolo Contis sa takbo ng buhay niya ngayon, lalo pa't magdiriwang na siya ng kanyang ika-33 kaarawan sa Marso 14.

May mga nais pa bang hilingin ang Kapuso actor?

Tugon ni Paolo, "I’m happy where I am now.

"A lot of things could be better, pero hindi lahat ng bagay minamadali.

"Siguro andito ako sa edad na marunong na akong makuntento. 

"I'm very, very contented."

Kung career ang pag-uusapan, alam daw niyang nasa mabuti siyang kamay.

Pagbabahagi niya, "I know that good maker 'yang GMA and, happily, they're taking care of me."

Sa usaping pag-aasawa naman, nais munang maghinay-hinay ng Bubble Gang mainstay.

"Obviously, I'm happy with my love life," pagtukoy niya sa relasyon nila ng kapwa GMA artist na si LJ Reyes.

Unang naging bukas ang aktor sa estado nilang dalawa noong Setyempre 2016, kung saan inamin niyang mas nakatulong ang pagiging pribado nila ni LJ sa kanilang relasyon.

Read: Paolo Contis opens up about relationship with LJ Reyes

SETTLING DOWN. Napag-uusapan na ba nila ni LJ ang pagpapakasal?

Pag-amin ni Paolo, "We talk about it in passing.

"Pero ayaw naming madaliin yun kasi we have a special bond together, we’re very happy.

"And hindi kailangan madaliin, kasi may mga bagay na, I’m sure...

"She made that mistake before, I made that mistake before of doing things very fast.

"Yun nga, everything should be at large space."

Sina Paolo at LJ ay kapwa makulay ang love life at pareho ring may anak mula sa kani-kanilang dating nakarelasyon.

Dalawa ang anak ni Paolo mula sa kanyang dating asawa na si Lia Paz; si LJ naman ay may isang anak mula sa dati niyang boyfriend na si Paulo Avelino.

Dagdag pa ng aktor, "We’re working on our relationship.

"At may mga bagay kasi na kailangan unahin.

"Kapag lahat okay na, para smooth sailing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa kanyang birthday charity na ginanap sa Manila Boystown Complex, sa Marikina City, nitong Miyerkules, Marso 8.


COUPLE GOALS. Kailanman ay hindi raw inisip nina Paolo at LJ na may mga taong titingala sa kanilang relasyon.

Ayon sa celebrity dad, "Hindi naman namin goal maging ganoon, di ba?

"Siguro lang sa amin, first of all, we have nothing to promote, hindi kami magka-love team.

"May ka-love team siya, komedyante ako.

"So, I guess, people just see how natural it is, di ba?"

Dagdag pa niya, "We have nothing to promote.

"We have nothing to hide, hindi kami ganoon, walang 'showbiz,' e."

Hirit ni Paolo, "Hindi kailangan na laging on your best ka."

Hindi rin daw nila kailangan mag-post sa social media para magpa-cool.

Sabi niya, "Kailangan kapag nagpo-post tayo, kailangan pa-cool tayo.

"Hindi, feeling ko mas nakaka-relate ang mga tao kasi naaliw sila."

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

WORKING WITH LJ. Sa pagdami ng kanilang fans bilang real-life couple, hindi malayong mabigyan ng project sina Paolo at LJ.

Reaksiyon dito ng Kapuso actor, "Ako, honestly, I like to work with LJ.

"Kasi si LJ, very professional 'yan, napaka-professional na artista 'yan. 

"LJ is one of those actors whom I like working with kasi very professional.

"Maging regular ko siyang katrabaho, who wouldn't like that?"

Nagkasama sina Paolo at LJ sa 2005 primetime series na Sugo at sa 2014 afternoon drama series ng GMA Network na Yagit.

Paglilinaw pa ng aktor, "Again, I just don't want na mabigyang kulay na kaya namin ito ginagawa, e, para magkaroon kami ng show."

Ang tinutukoy ni Paolo ay ang pag-post niya ng pictures nila ni LJ sa social media.

"Ayoko lang na magka-pakialamanan ng personal na buhay.

"Kung mayroon kaming trabaho, meron kaming trabaho.

"It's not needed," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN