Erik Santos on why he stops talking about Angeline Quinto

IMAGE Nerisa Almo

Erik Santos is shutting out Angeline Quinto as a topic in conversation: "May mga bagay siguro na i-keep na lang namin para sa amin para hindi na mas lumaki pa o maintriga."


Kung hugot ng damdamin lang ang pag-uusapan, marami raw pagkukunan si Erik Santos nito.

Kaya naman sa kanyang concert na Erik Santos Sings The Greatest OPM Classics, na gaganapin sa The Theater sa Solaire Resort and Casino, sa April 7, may isang segment ang Kapamilya singer na puro hugot songs.

“Personal experience at experience na nakukuha ko sa ibang tao, diyan ko kinukuha ang mga hugot ko sa pagkanta,” sabi ni Erik nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng concert niya kahapon, March 8.

Pagdating naman sa personal na estado ng kanyang love life, pabirong sabi ni Erik, “Let's pray for that. I've been praying for it.”

Sa ngayon, tila kuntento pa si Erik sa pagiging single niya.

Aniya, “May maganda at hindi maganda.

“Kasi, kapag single ka, wala kang kailangang i-text ng good night, wala kang kailangang pagpaalaman na nandito ako, mga whereabouts mo.

“Pero iba rin kasi yung feeling na may maggu-good night sa 'yo, may magsasabi ng 'I love you' at 'I miss you.'

“Iba rin yung inspiration na naibibigay nun.”

MUM ABOUT ANGELINE. Samantala, tikom ang bibig ni Erik sa anumang usapin tungkol sa naunsiyaming pag-iibigan nila ng kapwa singer na si Angeline Quinto.

“Sabi ko na lilipat diyan, e!” natatawang biro niya nang matanong tungkol sa isa sa Birit Queens ng ASAP.

Patuloy niya, “Kung ano ang sinabi doon, yun. May mga bagay siguro na kailangan ano...

“Kumbaga, ang ingay na ng mundo natin.

“Kapag nagsalita ka ng isang salita, pag-uusapan, pagpipiyestahan.

“So, may mga bagay siguro na i-keep na lang namin para sa amin para hindi na mas lumaki pa o maintriga.

“Mas nakaka-pressure yun, mas stressful, e, stressful na nga ang industriya natin.”

Pero nang pahapyaw na mabanggit ang tungkol sa umano'y natanong sa kanya ng ina ni Angeline, umiwas si Erik na pag-usapan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matalinhaga pa niyang sinabi, “Kahit naman ano ang sabihin ng mga tao sa paligid mo, kung ikaw, hindi ka handa...

“I'm speaking in general, ha.

“I mean... kapag hindi ka pa handa, kahit gaano pa kahanda ang mga taong nasa paligid mo, dapat yung puso mo pa rin o yung personal choice mo ang susundin mo.”

Hindi man direktang sinabi ni Erik kung tungkol saan ito, malinaw na patungkol ito sa naging pahayag ni Angeline sa nakaraang panayam sa kanya ng reporters.

Sinabi niya noon na isa sa posibleng dahilan kung bakit hindi nauwi sa romantic relationship ang closeness nila ni Erik ay dahil sa salungat na plano nila sa buhay.

Sabi ni Angeline, “Sinasabi naman niya na naging espesyal ako sa kanya, ganun din naman po sa akin si Erik.

“Pero yung gusto niyang mangyari sa buhay niya, gusto na niyang mag-asawa.”

“Hindi pa ako ready sa ganun, e.”

Nilinaw ni Erik na nirerespeto niya kung anuman ang naging desisyon ni Angeline.

Nang tanungin kung handa siyang maghintay, sagot ng singer, “It depends.

"Depende sa pag-uusap, depende sa sitwasyon, depende sa kung ano yung itinitibok ng puso mo.

“Maraming puwedeng i-consider.”


Stories We Are Tracking

Angeline reveals why romance with Erik did not blossom
Angeline reveals why romance with Erik did not blossom

PEACHY'S KUMPARE. Hindi rin naiwasang tanungin si Erik tungkol sa dati niyang girlfriend na si Rufa Mae Quinto, na nagsilang ng isang baby girl kamakailan.

Tinanong si Erik kung payag siyang maging ninong ni Baby Alexandria Athena kung sakali.

Sagot niya, “Kung kukunin ako, why not?”

Kahit dating ex-lovers, nilinaw ni Erik na, “Hanggang ngayon, we remain good friends pa rin.

“Pero noong nagbuntis siya, nanganak siya, hindi kami masyadong nakakapag-usap.”

Sabi pa ni Erik tungkol sa anak nina Rufa Mae at asawa niyang si Trev Magallanes, “Ang cute ng baby niya, ha!”


Stories We Are Tracking

Rufa Mae Quinto gives birth to baby girl
Rufa Mae Quinto gives birth to baby girl


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN