Luis Manzano on settling down with Jessy Mendiola: "Definitely taking our time."

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on marriage talks with girlfriend Jessy Mendiola: "I respect her timetable, the same way she respects my timetable. But when she's ready, I'm definitely right by her side. Definitely taking our time."


Hindi raw nagmamadali si Luis Manzano na pakasalan ang kasintahan niyang si Jessy Mendiola.

Ayon sa Kapamilya TV host-actor, "Our love story is very, very steady, but I'm not forgetting the fact she's only 24."

Biro pa niya, "And I'm turning 25 na rin... Hindi, I'm turning 36 this April 21st.

"So, para sa akin, I completely understand the fact that she still has so many responsibilities for herself, for her family. 

"And I will never take that away from her."

Diin ni Luis, "I respect her timetable, the same way she respects my timetable.

"But when she's ready, I'm definitely right by her side.

"Definitely taking our time."

Hindi rin nagpapdala si Luis sa pressure mula sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Aniya, "Hindi naman ako nakikipagbolahan, e. I'm not adjusting naman sa gusto ng mga tao. 

"Yun naman yung sa akin, whatever is true, yun ang sasabihin ko."

Sabi  pa ni Luis, "We're fairly new.

"Kasi the first time I got to hang out with her talaga was my birthday, April 21 of last year.

"Pero hang out, ha, that's the first time we got to sit down and hang out, so we're fairly new."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Luis sa press conference ng bago niyang endorsement, ang Century Chili Corned Tuna, na ginanap sa Sarsa restaurant, Makati City, nitong Huwebes, March 9.

FAMILY TIES. Sa ngayon, ikinatutuwa ni Luis na maganda ang relasyon ni Jessy sa kanyang pamilya, partikular na sa ina niyang si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto.

Madalas daw dalhin ni Luis si Jessy sa kanilang bahay sa Batangas.

Aniya, "Yes, in fact, two Sundays ago, we had dinner with the family."

Nakikita raw ni Luis na nagiging malapit na si Jessy sa kanyang pamilya. Botong-boto rin daw ang pamilya niya sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's how we want it, as casual, as organic, yung totoo lang.

"So, kulitan, nagkukuwentuhan ng kalokohan. Ganun kami pag-nagsama-sama lang."

Samantala, nagpaplano na raw sina Luis at Jessy ng ilang bakasyon ngayong summer.

Pero tikom ang bibig ng Minute To Win It host nang tanungin kung saan niya dadalhin ang nobya.

Ani Luis, "We have one trip and we're planning to go to... secret muna, secret muna.

"But definitely, we're gonna hit the beach. That's one."

Importante raw ang makapag-bonding sila sa mga ganitong pagkakataon, lalo't pareho silang busy sa kani-kanilang mga trabaho.

Ayon kay Luis, "Gumagawa kami ng time.

"I think she's very busy and, at the same time, ako, I'm very fortunately working.

"So we have to put in that extra effort to spend time with each other."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN