Pauleen Luna hits back at AlDub trolls

IMAGE Noel Orsal

Pauleen Luna did not back down from trolls who seem to be trying to create trouble about AlDub and other Eat Bulaga! hosts. 


Hindi nagpasindak si Pauleen Luna sa ilang bashers na tila nag-uudyok sa kanyang pumatol sa isyung may kinalaman sa AlDub, ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa isang Instagram post ni Pauleen, na kuha mula sa bakasyon nila ng mister na si Vic Sotto sa Thailand, isang netizen ang nagkomento.

Post ni @gemmeg28: “i hope hnd ka kasama sa pangloloko nla alden at tandang patring kay meng at aldubnation, pnagtatanggol pa nman ng ibang adn c patring pg nababash sya tapos totoo pala, goodluck sa lahat ng kakuntsaba nla.”


Kung pagbabasehan ang komento ng netizen, ito ay may kinalaman sa patuloy na pagli-link kay Alden sa co-host nila sa Eat Bulaga! na si Patricia Tumulak.

Kaduda-duda naman ang nasabing netizen dahil wala itong profile pic at wala ring posts sa kanyang account.  

Sa kabila nito, sumagot pa rin si Pauleen.

Pinulaan nito ang netizen sa pagtawag na “tanda” kay Patricia dahil magkasing-edad lang daw sila.

Parehong 28 anyos sina Pauleen at Patricia.


Isa pang basher (@chactycjy) ang nagkomento at binantaan si Pauleen na ilalabas umano nito sa isang chismis blog ang komento ng actress-TV host, kung saan tila kinumpirma raw nito sa kanyang sagot na may namamagitan nga kina Alden at Patricia.

Hindi rin ito pinalampas ni Pauleen at sinagot ang basher sa maling akusasyon nito.


Ipinagtanggol naman si Pauleen ng kanyang supporters at pinagsabihan ang mga basher.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN