PBB winner Maymay Entrata speaks up about real score with Edward Barber

IMAGE Mark Atienza

Maymay Entrata on Edward Barber: "Kapag naninerbiyos ako, siya talaga yung unang-unang magko-comfort sa akin. Kaya yun ang nagustuhan ko sa kanya. Talagang ano, magaling po siyang mag-comfort."


Habang nasa loob sila ng Pinoy Big Brother house, nabuo ang love team ng dating housemates na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Tinawag ang kanilang tambalan na MayWard.

Nayong tapos na ang PBB: Lucky 7, kung saan si Maymay ang itinanghal na Big Winner at si Edward naman ang 4th Big Placer, ano na ang real score ng dalawa?

Ayon kay Maymay, “Sobrang matalik na kaibigan po kami talaga, as in sobrang close.

“Kaibigan ko po nang sobra talaga si Edward.”

Puwede na ba siyang magkaroon ng boyfriend?

Sagot ng PBB winner, “Papayagan naman po, pero nasa tamang panahon po yun. Ako pa rin po ang magdedesisyon.”

Handa na ba siyang magkaroon ng boyfriend?

“A, ang pamilya ko po muna!” natatawang sabi ni Maymay.

“Hindi pa tapos yung mga pangarap ko po. Aral po muna.”

Ano ang mga nagustuhan niya kay Edward?

“Ano po, kapag po talagang... kasi hindi ko alam, pero kapag naninerbiyos ako, siya talaga yung unang-unang magko-comfort sa akin.

“Kaya yun ang nagustuhan ko sa kanya. Talagang ano, magaling po siyang mag-comfort.”

PBB EXPERIENCE. Ano ang pinakanatutunan niya sa Bahay ni Kuya?

Saad ni Maymay, “Ang pinaka natutunan ko po sa bahay ni Kuya na madadala ko talaga sa buong buhay ko, hanggang sa paghukay ko talaga, na kapag may nagawa kang isang bagay na hindi mo akalain na nagawa mo, huwag kang makuntento na diyan ka lang. Masaya ka na.

“Dapat talagang kapag may goal ka at nakuha mo na, nakamit mo na, mag-set ka naman ng ibang goal para mas marami kang ma-experience and flexibility ka, yun.

“At marami kang mai-share. Mai-share mo ang mga bagay na nagawa mo.

"At baka hindi mo alam na may matulungan ka ring matutupad ang pangarap ng iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN