KC Concepcion explains her absence from showbiz

IMAGE Noel Orsal

KC Concepcion clarifies she continues to be in touch with her showbiz connections, saying, "Hinihintay ko yung tamang project para 'di masabi na para may project lang… tuluy-tuloy ang offers. 'Di ko talaga iiwan itong mundo ng showbiz."


May katagalan nang nawawala sa showbiz si KC Concepcion.

Huli siyang napanood noong 2014 sa seryeng Ikaw Lamang ng ABS-CBN kasama sina Coco Martin, Kim Chiu, at Julia Montes.

Kaya marami sa mga tagahanga ni KC ang naghihintay kung kailan ito magbabalik sa telebisyon.

Nilinaw naman niya na naghihintay lang siya ng tamang proyekto para sa kanyang pagbabalik-telebisyon.
   
Ani KC, “Actually, mayroon talaga akong offers ngayon, I’m very thankful to ABS-CBN. Sila pa rin ang pamilya ko pagdating sa entertainment world.

"Sa ngayon, naging busy talaga ako sa bago kong business.

“Pero more than that, hinihintay ko yung tamang project para ‘di masabi na para may project lang.

“‘Di totoo na walang project, tuluy-tuloy ang offers and sobrang nagpapasalamat ako.

“‘Di naman din nagsasawa ang mga producers at lahat ng fans na hanapin ako.

“I’m really thinking of the best na mai-offer ko sa kanila when the time comes.
   
“‘Di ko talaga iiwan itong mundo ng showbiz, right now I’m prioritizing talaga yung trabaho ko sa United Nations.

“Kasi iisa lang yung pinipili nila per country to be their ambassador against hunger.”
 
Nagpasalamat din si KC na umabot na pala ng P 1 million ang kinita ng kcscloset.com kung saan ang kinita nito ay para school feeding sa Mindanao.
   
“Thank you sa lahat ng sumuporta ng KC closet.com… sa lahat ng mga binenta namin, shoes, bags, at damit, naka-one million din.
 
“Sa ngayon happy talaga ako sa na-raise namin kasi ibig sabihin may kinapupuntahan din yung hard work naming lahat.”

Nakapanayam si KC ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa launching ng Downy Parfum Collection nung Miyerkules, March 8, sa Shangri-La The Fort.

Isa siya sa ipinakilala bilang endorsers kasama sina Pia Wurtzbach at Bianca Gonzalez-Intal.    

  
HAPPY FOR MOM. Kung lying low sa kanyang showbiz career si KC, aktibo naman sa ngayon ang ina niyang si Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman ang aktres sa magandang tinatakbo ng career ng ina at sa malaking pagpayat nito na matagal na talagang pinaghihirapang gawin ng Megastar.
  
Lahad ni KC, “Siyempre pag masaya siya, masaya kaming lahat.

“Pag wala sa kanya yung mic, wala sa kanya yung stage, yung entablado, nasa-sad siya.

“When she’s performing nasa element talaga niya, we’re very happy that she’s very excited every day to go to work.

“Excited siya sa The Voice, sa Your Face Sounds Familiar, it’s really hard work.
   
“Ang ganda niya ngayon, excited na nga akong i-share yung i-introduce siya sa mga designers, mga designers kong friends.

“Right now I style myself. Sabi ko nga, ‘Kaya mo ring mag-enjoy, bihisan yung sarili mo once na gumanda na rin ang katawan.’”
 
    


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN