Jake Ejercito warns trolls who attack his daughter

IMAGE Instagram

Jake Ejercito warns a basher who threatened to bash his five-year-old daughter.


Nangibabaw ang pagiging ama ni Jake Ejercito nang mag-tweet ito kaugnay ng bashers at trolls na idinadamay ang kanyang anak na si Ellie.

Si Ellie ay anak ni Jake sa dating kasintahan na si Andi Eigenmann.

Sa kanyang Twitter account nitong Sabado, March 11, sinabi ni Jake na hindi siya apektado sa mga troll o bashers, ngunit ibang usapan na raw kapag idinamay ng mga ito ang kanyang limang-taong-gulang na anak.

Ni-repost pa ni Jake ang mensahe ng isang basher na nagbantang idadamay si Ellie sa pamba-bash sa kanya:

“...pati anak mo idadamay namin. Wag kang epal g*go alagaan mo na lang ang anak mo ng magka silbi ka nmn”

Buwelta ni Jake dito: “Troll on me all you want if it pleases you. But all the fun will stop once you attack my daughter.”

Ipinanganak si Ellie noong November 2011.

Bagamat hiwalay na ang kanyang mga magulang at nasa pangangalaga ng ina na si Andi, nagkakaroon pa rin ito ng bonding moments kasama ang amang si Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN