Cesar Montano faces complaint from Tourism Promotions Board employees

IMAGE Facebook (Department of Tourism)

After hurdling a controversy concerning his son Diego Loyzaga last February, Cesar Montano now faces another issue involving alleged anomalous contracts and other irregularities as head of the Tourism of Promotions Board (TPB). Photo shows Cesar being sworn in as TPB head by Department of Tourism Secretary Wanda Teo.


Isa na namang kontrobersiya ang hinaharap ng aktor at ngayon ay Tourism Promotions Board (TPB) chief operating officer na si Cesar Montano.

Mismong ang mga tauhan ni Cesar sa TPB ang nagsumite ng letter of complaint laban kay Cesar sa Presidential Action Center noong March 1, 2017.

Opisyal na nanumpa bilang head ng TPB si Cesar noong December 2016, at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagtalaga sa kanya sa nasabing posisyon.

Ang TPB ay sangay ng Department of Tourism (DOT) na siyang nagbabalangkas ng integrated domestic at international promotions at marketing program para sa DOT.

THE COMPLAINT. Nakapaloob sa complaint letter ang “24 wrongful acts” na umano'y ginawa ni Cesar, ayon sa ulat ng inquirer.net.

Kabilang sa binanggit na diumano'y katiwaliang ginawa ni Cesar ay ang pagpasok niya sa mga kuwestiyonableng kontrata na umaabot ng milyun-milyong piso ang halaga.

Nag-hire din daw ng sarili niyang staff ang aktor kahit na may mga nakatalagang empleyado para maging staff niya.

Isa umano sa mga kuwestiyonableng kontrata na pinasok ni Cesar ay ang P16.5 million-cash sponsorship ng TPB sa isang kumpanya na siyang nangasiwa sa paglulunsad ng rally para kay Pangulong Duterte, na ginanap sa Luneta noong February 25.

Isa pa umanong questionable contract ay ang cash sponsorship ng TPB sa isang concert abroad na nagtatampok kina James Reid at Nadine Lustre.

Nagkakahalaga umano ang concert ng P12 million.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar para sa kanyang reaksiyon hinggil sa isyu, subalit hindi pa siya sumasagot habang isinusulat ang balitang ito.

Bukas ang PEP sa panig ni Cesar at kaninumang nais maghayag ng kanilang panig hinggil sa isyung ito.

Samantala, ngayong Linggo ng umaga, March 12, ay nag-post si Cesar sa Instagram ng throwback video nila ng panganay nilang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina noong 10 anyos pa lamang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood si Cesar at ang batang Angelina na kumakanta ng “Feeling Groovy,” isang awiting pinasikat ng grupong Simon and Garfunkel.

"FEELING GROOVY" with Angelina at 10.

A post shared by Cesar Montano (@cesar_montano) on

Sa comments section, may ilang netizens na nagpahayag ng kanilang dismaya kay Cesar hinggil sa pinakabago niyang isyung hinaharap.



Sa Twitter, isang netizen (@Simply_Clinton) ang nag-upload ng diumano'y unang pahina ng formal complaint ng TPB employees laban kay Cesar na isinumite sa Presidential Action Center.


Mababasa sa nasabing pahina ang ilan sa mga diumano'y “irregularities” na ginawa ni Cesar bilang COO ng TPB.

Halimbawa rito ang P11-M contract na pinasok ni Cesar kasama ang Carat Philippines, kunsaan guest singer ang aktor kasama umano ang kanyang mga pamangkin.

Nakasaad din dito ang umano'y pagpasok ni Cesar ng kanyang kapatid, kamag-anak, at ilang kasambahay bilang bahagi ng kanyang official staff kahit na may mga empleyado na siya sa TPB.

Nitong nakaraang Pebrero ay naging laman ng balita si Cesar dahil sa mga hinaing sa kanya ng anak na si Diego Loyzaga.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano mum on son Diego Loyzaga's rant
Cesar Montano mum on son Diego Loyzaga's rant
Cesar Montano officially joins Department of Tourism
Cesar Montano officially joins Department of Tourism
Cesar takes a leave from showbiz to focus on TPB post
Cesar takes a leave from showbiz to focus on TPB post
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN