Kris Aquino reunites with Erich Gonzales

IMAGE Instagram (@erichgg)

Kris Aquino posts photos of her reunion with close friend Erich Gonzales. It was in Kris's previous show on ABS-CBN, Kris TV, that Erich first met ex-boyfriend Daniel Matsunaga. 


Nakipag-bonding si Kris Aquino at ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby sa malapit na kaibigang si Erich Gonzales.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kris ang mga larawan ng kanilang reunion ng Kapamilya actress.

Bahagi ng caption ni Kris: “…Sunday reunion pics w/ our love @erichgg. Truly for Kuya Josh, Bimb, and me- she is #family. So happy we had the chance to visit her.”

Nagpasalamat naman si Erich sa pagbibigay-oras sa kanya ni Kris.

Thank you for always making time for me Ate Kris. Missed you, Kuya Josh and Bimb. Love you ???

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Naging malapit sina Kris at Erich nang maging semi-regular guest ang huli sa dating magazine-talk show ng Queen of All Media sa ABS-CBN, ang Kris TV.

Sinasabi ring naging malaki ang bahagi ni Kris sa love story ni Erich at dating boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Si Kris ang nagsilbing cupid sa dalawa dahil una silang nagkakilala sa Kris TV, at nasundan pa ng episodes ng programa na magkasama sila.

Gayunpaman, nagsimula ang magandang pagtitinginan nila nang pumasok si Daniel sa dating ABS-CBN teleserye na Two Wives, kung saan isa sa mga bida si Erich.

June 2015 nang kumpirmahin ni Daniel ang relasyon nila ni Erich, at naiulat ang paghihiwalay ng dalawa nito lamang January 2017.


Stories We Are Tracking

Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?
Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?
Daniel Matsunaga not pressured to marry Erich Gonzales
Daniel Matsunaga not pressured to marry Erich Gonzales


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN