Benjamin Alves inspired by Julie Anne San Jose

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves thinks the world of Julie Anne San Jose. "Hindi naman po nawawala yung pagiging si Julie ang inspirasyon ko," he says, but mum about the status of their relationship.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Ito ay sa kabila ng pareho silang bukas sa pagsasabi ng kanilang nararamdaman para sa isa't isa at madalas silang makitang magkasama sa lakaran.

Ano ba ang pumipigil sa kanila para aminin kung ano ang estado ng kanilang relasyon?

Ayon kay Benjamin, “Wala naman po… nagso-soap kami, e, so siguro pagkatapos, you’ll never know.” 

Ayaw raw nilang isipin ng iba na ginagamit nila ang kanilang relasyon para sa drama series nilang Pinulot Ka Lang Sa Lupa at vice versa.

Sabi pa ng Kapuso actor, “Kahit naman po walang label na hinahanap o hinihingi po yung mga tao… inspired naman po kami.

“I look forward to seeing her every day at work, excited ako pag alam ko na sa mga eksena, kasama ko siya.

“Mas madaling gawin ang eksena pag kasama ko siya.

"Hindi naman po nawawala yung pagiging si Julie ang inspirasyon ko…

“Selfless si Julie, e. Selfless hindi lang po sa akin, lalo sa pamilya niya po, lalo na sa sisters niya, sobrang selfless si Julie.   

“And na-bless nga po kami na may soap kaming magkasama, so iyon po.”

At para kay Benjamin, si Julie Anne in one word, “serene,” kaya kalmado raw siya at peaceful kapag kasama niya ito.

“Lalo na po pag showbiz maraming puwedeng pag-usapan maraming puwedeng i-criticize or whatever.

“Nandiyan yung, 'O ano, magre-rate ba yung soap?' Mga problemang ganun.

“Yung kung tanggap ba kami ng mga tao, things like that.

"Pero pag kami ang magkasama, wala, peaceful… walang ganun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Benjamin sa taping ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa Dionisio Cornel Memorial Medical Center, Antipolo City, noong March 8.

IN THE NAME OF LOVE. Hindi pa naman daw nila naranasan ni Julie Anne ang matinding away tulad ng mga karakter nila sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung meron man ito ay dahil daw sa pagod.

“Siyempre pag pagod, wala sa mood, medyo mainit nag ulo.

“Mostly ako yung… kung bibilangin, hindi naman lagi mainit ang ulo ko, kahit si Julie rin, kailangan munang magpahinga.”

Matitinding pagsubok ang pinagdadaanan sa relasyon ng mga karakter nina Benjamin at Julie Anne, bilang Ephraim at Santina, sa teleserye nila sa GMA-7.

Lantad naman na ang closeness ng dalawa sa tunay na buhay kahit wala pa silang inaamin.

Hanggang saan naman kaya ang gagawin ni Benjamin sa ngalan ng pag-ibig?

Tugon niya, “Wow! Hindi ko na pa naman nate-test, marami siguro.

“Kapag mahal mo yung tao, sabi nga, di ba, dapat walang limits pag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo talaga.

“Yung mga pinagdadaanan ni Ephraim tsaka ni Santina, sana hindi mangyari sa amin ni Julie.”

Patuloy ni Benjamin, “Hindi naman sa hindi kaya, pero sana huwag naman… di ba, parang nakakalungkot.”

Pero ano na ang craziest na nagawa ni Benjamin alang-alang sa pag-ibig?

“Wala pa, e, hindi pa ako nasusubukan ng ganun sa pagmamahal.

“Napakasuwerte ko po na wala pa akong pinagdaanan na ganun.”

Kaya ba hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon sana nila noon ni Pia Wurtzbach, sumuko ba sila agad?

“Hindi,” at tumawa si Benjamin, “wala namang sumuko dun, mutual na ano yun.

“Magkaibigan naman po kami, wala naman kami sa punto na nagmahalan kami.

“Pag natapos ang isang bagay, tapos na siya, hindi na puwedeng isipin kung ano sana ang puwedeng nangyari, kasi tinapos na, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN