Claudine Barretto, Raymart Santiago exchange friendly comments on Instagram

For a change, estranged couple Claudine Barretto and Raymart Santiago exchange friendly comments on Instagram. 


Nagkaroon ng palitan ng positibong mensahe ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa social media nitong mga nakalipas na linggo.

Malayo ito sa mga naunang social media posts ni Claudine, kung saan inilabas niya ang kanyang hinaing kay Raymart bilang ama ng kanilang mga anak, dahilan upang magkaroon sila ng hidwaan.


Stories We Are Tracking

Claudine calls Raymart
Claudine calls Raymart "walang kwentang ama"
Raymart frustrated by Claudine's latest allegations
Raymart frustrated by Claudine's latest allegations
Claudine wishes Raymart and family
Claudine wishes Raymart and family "hell of a New Year"
Claudine to file complaints against Raymart's relative
Claudine to file complaints against Raymart's relative

Kung tungkol sa kanilang mga anak ang dahilan ng kanilang di pagkakaunawaan, mga anak din ang dahilan ng kanilang positibong palitan ng diskurso, sa pamamagitan ng Instagram, kamakailan.

Tatlong linggo na ang nakararaan, ipinost ni Raymart sa kanyang Instagram ang maiksing video ni Sabina habang nagkakaroon ng dance lessons.

Sa comments section, itinag ni Raymart si Claudine.

Komento ng aktres: “Aysus ang galing ng anak natin.” 


Nitong nakaraang linggo naman, nag-post si Raymart ng video ni Santino sakay ng hover boards at tila naglalaro sa isang mall.

Caption ni Raymart: “Kanino kaya nagmana ito sa kakulitan.”

Sa comments section, muling itinag ni Raymart si Claudine.

Sumagot naman dito ang akres.

Komento nito: “@raymartsantiago hahaha. Sayo yata nagmana sa kakulitan.”



Dahil sa magandang palitan ng mga mensaheng ito, maraming netizens at followers nina Claudine at Raymart ang natuwa at nagbigay ng mensahe sa dalawa:



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN