Ellen Adarna wants "one-on-one tutorial" with Pietro Boselli

IMAGE Nikko Tuazon (Pietro)/Noel Orsal (Ellen)

Ellen Adarna willing to go on a date with "World's Hottest Math Teacher" Pietro Boselli. She says, "Choosy pa ba ako? Choosy pa ba ako sa kanya?"


Handang-handa raw si Ellen Adarna na ma-meet sa personal ang tinaguriang “World's Hottest Math Teacher” na si Pietro Boselli.

Sa Facebook Live session ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz nitong Martes, March 14, hiningi niya ang reaksiyonni Ellen tungkol sa pahayag ng Italian supermodel na nais niyang makilala sa personal ang aktres.

Co-stars sina Ellen at Ogie sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

Tanong ni Ogie kay Ellen: “Type mo ba si Pietro Boselli?”

Sagot ng sexy actress, “Type na type ko. As in gusto ko na ng Math ngayon. As in favorite ko na talaga siya.”

Sabi pa niya, handa siyang makipag-date kay Pietro.

Pabiro niyang sabi, "Oo, magwa-one-on-one ano kami, tutorial."

Balik na tanong naman Ogie: “How do you find him?”

Agad na sagot ni Ellen, “Choosy pa ba ako? Choosy pa ba ako sa kanya?”

Sa huling bahagi ng video, bilang paanyaya, pabirong sinabi ni Ellen ang popular na kanta ng Cali Swag District na “Teach Me How to Dougie.”

Nitong weekend ay ipinakilala si Pietro bilang bagong endorser ng isang local clothing brand.

Sa press conference na ginanap noong Linggo, March 12, sinabi ng 28-year-old model, “I'm really looking forward to meeting [her]. I don't know why they haven't introduced us yet.”


Stories We Are Tracking

World's Hottest Math Teacher hopes to meet Ellen Adarna
World's Hottest Math Teacher hopes to meet Ellen Adarna


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN