Pia Wurtzbach warns girls messaging BF Marlon Stockinger: "He's mine now."

IMAGE Instagram photo of Pia Wurtzbach

Pia Wurtzbach on boyfriend Marlon Stockinger: "I feel sorry for girls who let this one go. But oh well he's mine now."


Nagpasaring si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga babaeng may pagnanasa sa kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Sa Instagram post ni Marlon kahapon, March 13, kung saan makikitang kasama siya sa featured celebrities sa cover ng isang glossy magazine, nagkomento rito ang beauty queen.

Nagbigay ng babala si Pia sa mga babaeng nagme-message umano sa kanyang boyfriend.

Hindi pinangalanan ni Pia ang kanyang tinutukoy, ngunit malaman ang kanyang mensahe:

"That's mine on the left. You girls better know.

"Stop messaging my boyfriend. I know who you girls are.

"And I feel sorry for girls who let this one go. But oh well he's mine now."


Binura rin agad ni Pia ang komentong ito. Ngunit may ilang followers nina Marlon at Pia ang nakakita nito at nag-screenshot.




Hindi ito ang unang pagkakataong inihayag ni Pia ang pag-angkin niya kay Marlon.

Sa huling #AskPia session sa Twitter, isang follower ang nagtanong kay Pia: “Pedeng akin na lang po si Marlon?”

Pabiro naman itong sinagot ng Pinay beauty queen: “Mars sorry. Sakin siya.”

Sa parehong #AskPia session tinanong din si Pia kung kailan naging opisyal ang relasyon nila ni Marlon.

Sagot ng dating Miss Universe: “Honestly I don't remember. Maybe he remembers we started dating September but talking way before that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN