Janella Salvador mysteriously loses P100,000 from her bank account

IMAGE Noel Orsal

Naibalik na kahapon, March 15, ang malaking halaga ng pera na nawala sa bank account ng Kapamilya actress na si Janella Salvador. Ayon sa ina niyang si Jenine Desiderio, pinalitan na ng kanilang bangko ang halagang nawala sa account ng anak noong 2016.


Ikinagulat ng singer na si Jenine Desiderio na nabawasan ng lagpas P100,000 ang laman ng bank account ng anak niyang si Janella Salvador.

Nangyari ito Agosto 2016, kung saan makikita sa bank statement na sa Tokyo Disneyland, sa Japan, nagkaroon ng magkakasunod na transaksiyon sa account ni Janella.

Ang ipinagtataka nila, hindi naman sila nagpunta ng Japan noong panahong iyon.

Pahayag ni Jenine sa panayam ng The World Tonight ng ANC kagabi, March 14, “Ang kaduda-duda dito ay same amount, same date, same name, tapos paulit-ulit ng tatlong beses. In one date, parang tatlong transactions.”

Nitong nakaraang linggo lamang daw ito nadiskubre ni Jenine dahil pumalya ang bangko nila sa pag-deliver ng statement of account.

Hindi raw sila naalerto ng bangko sa mga kaduda-dudang transaksiyon dahil hindi naka-enrol si Jenine sa kanilang online banking.

Dagdag naman ni Janella, “I got sad when I saw it 'coz, first of all, I find it really disappointing and sad that people nowadays can just steal big amount of money that other people worked hard for, of course.”

Ayon naman sa bangko, lahat ng mga reklamo sa kanila, kabilang na ang kay Janella, ay kanilang iimbestigahan.

Samantala, kagabi rin, nagpaabot ng pasasalamat si Jenine sa kanilang bangko dahil naibalik na ang perang nawala sa account ng anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN