Sen. Nancy Binay wants Senate to investigate allegations against Cesar Montano

IMAGE Nerisa Almo (Cesar)/Facebook photo of Nancy Binay

Senator Nancy Binay wants the Senate Blue Ribbon Committee to investigate the allegations of Tourism Promotions Board employees against its newly-appointed chief operating officer Cesar Montano.


Hiniling ni Senator Nancy Binay na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang reklamo laban sa bagong talagang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) na si Cesar Montano.

Ang TPB ay sangay ng Department of Tourism (DOT) na nagbabalangkas ng domestic at international promotions at marketing program para sa naturang ahensiya ng gobyerno.

Isinumite ni Senator Binay ang Senate Resolution 326 kahapon, March 14, para imungkahi ang imbestigasyon tungkol sa mga reklamo ng mga empleyado ng TPB laban sa aktor.

Kabilang sa reklamo laban kay Cesar ay ang maling paggamit diumano nito ng pera ng gobyerno.

As public interest, the transparency of the transactions should be disclosed to satisfy the public's Constitutional right to information,” bahagi ng Senate resolution na isinumite ni Binay.

Nitong weekend ay lumabas ang dokumentong naglalaman ng mga reklamo ng "concerned employees" ng TPB laban kay Cesar.

Ang dokumento ay natanggap ng Presidential Action Center noong March 1.

Kabilang sa reklamo laban kay Cesar ay ang P16.5 million-cash sponsorship umano ng TPB sa isang kumpanya na namahala sa isinagawang rally para kay President Rodrigo Duterte sa Luneta noong February 25.

Inirereklamo rin ng mga empleyado ang umano'y pagpapasok ni Cesar ng mga kamag-anak at kakilala para maging bahagi ng kanyang staff, kahit pa may kasalukuyang empleyado na para sa posisyon.

Noong Lunes, March 13, itinanggi ni Cesar ang mga alegasyon laban sa kanya.

Ayon sa aktor, ang mga ibinibintang sa kanya ay “baseless, wrong, and untrue.”

Depensa ni Cesar, “Siguro offshoot lang po ito ng na-dig natin o na-discover kong anomalies and irregularities dito sa opisina, so offshoot lang po ito.”

DUTERTE'S TRUST. Samantala, nagpahayag naman ng pagtitiwala si Pangulong Duterte kay Cesar sa kabila ng mga alegasyong hinaharap nito.

“If you have a grip and you think there is something there, file a case. I trust the guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That would be my opinion pero hindi niya kailangan ang posisyon. Marami na siyang pera,” pahayag ni Duterte sa isang news conference kamakailan.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano faces complaint from TPB employees
Cesar Montano faces complaint from TPB employees
Cesar Montano says allegations vs him are
Cesar Montano says allegations vs him are "wrong and untrue"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN