Jiro Manio to be released from rehab center against Ai-Ai delas Alas's wish

IMAGE Instagram of Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas on Jiro Manio: "Sa tingin ko, mas maganda kung nasa rehabilitation center pa rin si Jiro dahil mas kampante ang kalooban ko. Pero siyempre, kung anuman ang desisyon ng daddy at lola niya, wala na akong magagawa."


Nais ng mga kamag-anak ni Jiro Manio na ilabas na ang aktor sa rehabilitation center.

Kaugnay nito, humihingi ng waiver kay Ai-Ai delas Alas ang administrator ng rehabilitation center na kinaroroonan sa kasalukuyan ng former child star.

Ang Comedy Queen ang pangunahing tumutulong at gumagastos sa pagpapa-rehab kay Jiro.

Gusto sana ni Ai-Ai na manatili muna si Jiro sa rehabilitation center, pero wala siyang magagawa kung gusto nang ilabas ng mga kamag-anak nito ang aktor.

Pahayag ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa tingin ko, mas maganda kung nasa rehabilitation center pa rin si Jiro dahil mas kampante ang kalooban ko.

“Pero siyempre, kung anuman ang desisyon ng daddy at lola niya, wala na akong magagawa.”

Dagdag pa ng Comedy Queen, “Anak ang turing ko kay Jiro, pero may sarili siyang pamilya.

“So, if ever, kung anuman ang magiging desisyon nila, susundin ko na lang ang sinabi sa akin na magpapirma na lang ng waiver sa daddy niya, na sila na ang bahala kay Jiro.

“Pero sana magbago ang isip niya.”

Aminado si Ai-Ai na nag-aalala siya sa mga posibleng mangyari, kaya labag sa kanyang kalooban ang desisyon ng pamilya ni Jiro na ilabas na ito sa rehabilitation center.

Ipinagdarasal na lamang ni Ai-Ai ang magiging pasya ni Jiro.

Marami ang nagsasabi sa comedienne na naibigay na niya ang mga tulong na kailangan ni Jiro kaya hindi na siya masisisi kung may mangyari, dahil nasunod ang kagustuhan ng pamilya na ilabas sa rehabilitation center ang aktor.

Noong June 2015 ay natagpuan si Jiro na palabuy-laboy sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pagkatapos nito ay nagboluntaryo si Ai-Ai na tulungan si Jiro sa pamamagitan ng pagpapasok dito sa rehabilitation center.

Noong January 2016 ay nakalabas ng rehab ang Magnifico actor, ngunit pagkatapos lamang ng ilang buwan ay ibinalik siya dahil nagkaroon ito ng lapses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Is Jiro Manio back to his old self?
Is Jiro Manio back to his old self?
Ai-Ai delas Alas gives update on Jiro Manio's condition
Ai-Ai delas Alas gives update on Jiro Manio's condition
Jiro Manio back in rehab
Jiro Manio back in rehab
Jiro Manio now
Jiro Manio now "drug-free" but still under rehabilitation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN