Piolo Pascual on meeting son Iñigo for the first time: "Wala kasing lukso ng dugo, e."

IMAGE Instagram account of Inigo Pascual / Noel Orsal

Piolo Pascual admits that he did not feel "lukso ng dugo" the first time he met love child Iñigo. However, the actor said, "There is just this one day that I realized, kamukha ko talaga yung anak ko."


Inamin ni Piolo Pascual na hindi agad siya nakaramdam ng lukso ng dugo nang makilala sa unang pagkakataon ang anak na si Iñigo.

Ayon sa aktor, galing pa siya ng U.S. nang una niyang makilala ang anak dito sa Pilipinas.

Kuwento niya, “I came from the States. Noong dumating ako, nandito na yung anak ko.

“Wala ako when he was born so it’s so hard for me as well because, same thing, I had to be in the States because dun ako nakatira.

“It’s beyond words, hindi mo siya mae-explain, mixed emotions.”

Si Iñigo ay anak ni Piolo sa dati niyang nakarelasyon na si Donnabelle Lazaro.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa bloggers’ conference ng pelikula niyang Northern Lights: A Journey To Love, kahapon, March 14, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Maihahalintulad sa tunay na buhay ang bagong pelikulang pinagbibidahan ni Piolo na Northern Lights: A Journey To Love.

Ito ay dahil ang karakter na ginagampanan ni Piolo ay makikilala rin sa unang pagkakataon ang kanyang love child, na ginagampanan naman ni Raikko Mateo.

Dito naman naitanong kung katulad ba sa pelikula ay naging dramatic din ang naging unang pagkikita nila ni Iñigo.

Pag-amin ni Piolo, “Wala kasing lukso ng dugo, e. Yun ang inisip ko, e.”

Subalit kalaunan ay natanggap din niya nang maluwag ang anak.

Saad niya, “But down the line, there is just this one day that I realized, kamukha ko talaga yung anak ko.

"So, yun yung talagang realization na kailangan kong tanggapin.

“It wasn’t hard for me, pero tinanggap ko siya nang buong-buo.

"Kasi, like what I said, hindi mo puwedeng ipagkait sa bata yung ganung karapatan na magkaroon ng magulang.

“Hindi ko po inisip kung ano mangyayari sa career ko, ano mangyayari sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just have to give him that right to have a father."

Sa kasalukuyan, hindi maikakailang close na close ang mag-ama.

Patunay nito ang mga litratong ipinu-post nila sa kani-kanilang social media accounts kung saan lagi silang magkasama.

When is ever enough with you... miss you partner #randomthoughtsofafather

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on



Stories We Are Tracking

Piolo answers Inigo's question, 'What is your dream job?'
Piolo answers Inigo's question, 'What is your dream job?'
Inigo unaffected by malicious comments on photo with his dad
Inigo unaffected by malicious comments on photo with his dad
Iñigo Pascual slams bashers over viral photo with dad Piolo
Iñigo Pascual slams bashers over viral photo with dad Piolo
Piolo on Inigo's past:
Piolo on Inigo's past: "Hindi mo alam how to be a father."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN