Albie Casiño's girlfriend joins Wowowin beauty search

IMAGE Noel Orsal / @michellearceo136 on Instagram

Umamin si Michelle Arceo, candidate ng "Miss Wow! Gandang Filipina" sa Wowowin, na artista ang kanyang boyfriend. Sa pangungulit ng host na si Willie Revillame, inamin niyang ang kanyang boyfriend ay ang aktor na si Albie Casiño.


Mukhang papasukin na rin ng girlfriend ni Albie Casiño ang showbiz.

Isa sa mga kandidata ng "Miss Wow! Gandang Filipina" kahapon, March 14, ang girlfriend ng aktor na si Michelle Arceo.

Ang "Miss Wow! Gandang Filipina" ay ang beauty search ng daily variety show ni Willie Revillame sa GMA Network, Wowowin.

Sa panayam ni Willie, sinabi ni Michelle na ini-enjoy niya ang buhay niya sa Pilipinas ngayon bilang events at car show model.

Sa California, USA, naka-base ang dalaga.

Tinanong ni Willie si Michelle kung may celebrity boyfriend ba siya.

Nakangiting sagot ng dalaga, “Secret.”

Pero kinukulit siya ng TV host.

Kalaunan, sabi ni Michelle, “My heart’s taken.”

Tanong muli ni Willie: “Anong pangalan ng boyfriend mo?”

Tugon ni Michelle: “Albie Casiño.”

Seryosong may halong biro na sabi ni Willie sa harap ng kamera, “Well…. Albie, suwerte mo.”

Nanalo si Michelle at kuwalipikado para sa susunod na round.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN