Sugar Mercado seeks help from SC to stop harassment cases filed by estranged husband

IMAGE Facebook photo of Gabriela Women's Party

Gabriela Women's Party supports ex-Sexbomb Dancers member Sugar Mercado in her legal battle against estranged husband Kristoffer Go.


Pormal na humingi ng tulong ang dancer-comedienne na si Sugar Mercado sa Supreme Court para pigilan ang umano'y harassment complaints ng kanyang estranged husband na si Kristoffer Go.

Kasama ang ilang miyembro ng Gabriela Women's Party, nagtungo ang dating miyembro ng SexBomb sa Supreme Court ngayong araw, March 17, para ihain ang petition for writ of prohibition and certiorari with urgent prayer for the issuance of a temporary restraining order (TRO).

Ayon sa Gabriela, ang mga reklamong isinampa ni Kristofer laban kay Sugar—kung saan kabilang ang child abuse, libel, at physical injuries—ay maituturing na Strategic Lawsuit Against Public Participation, na naglalayong takutin o busalan ang isang biktima ng pang-aabuso.

“We stand with Sugar Mercado as she elevates her battle to the high court and as she stands in behalf of thousands of Violence Against Women and Children (VAWC) victims.

“We ask the SC to draw the line on this case to grant protection to harassed and abused women and to stop the abuse in the form of filing SLAPP cases against VAWC victims,” pahayag ni Gabriela representative Emmi de Jesus.

Noong 2015, naghain si Sugar ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) laban sa kanyang asawa.

Ito ay kaugnay ng pagnanais niyang makuha ang kustodiya ng kanilang mga anak.

Ngunit base sa dating Facebook Live video ni Sugar, na-dismiss ang kanilang reklamong paglabag sa RA 9262.

Sa halip, nakapaghain ng reklamong child abuse si Kristofer laban kay Sugar at sa kanyang ina.

Sabi ng dating SexBomb dancer, “Malinaw din ang kanyang original recommendation: sampahan ng 5 kaso sa paglabag sa RA 9262 ang aking dating asawa.

“Pero binalewala ang mga rekomendasyon ni Fiscal Lagasca. Kami ngayon ng aking ina ang kinasuhan ng child abuse.

“At sa gitna ng matibay na mga ebidensya dinismiss ang kaso namin para sa VAWC.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Former SexBomb member Sugar Mercado cries for help
Former SexBomb member Sugar Mercado cries for help
Sugar Mercado on custody battle with estranged husband
Sugar Mercado on custody battle with estranged husband


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN