Rep. Vilma Santos-Recto firm on death penalty opposition despite being stripped off committee chairmanship

IMAGE Facebook photo of Vilma Santos-Recto

Batangas Rep. Vilma Santos-Recto says she's willing to pay the price for her firm resolve in opposing the death penalty bill: "Bago magbotohan ay sinasabi na nila na ang mga leaders ay tatanggalan ng chairmanship. E, yun na ang tinatawag nating paninindigan na, kahit na may ganun ang kapalit. Pero yung importante ay yung paninindigan mo sa iyong sarili, dahil iyun ang pinakaimportante sa isang tao."


Si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang isa sa mga unang tinanggalan ng chairmanship ng committee sa Kongreso pagkatapos niyang kumontra sa death penalty.

Si Vilma ang chairman ng Committee on Civil Service and Professional Regulation, at tinanggal na ito sa kanya bago mag-recess ang Kongreso kamakailan lang.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin ang representative ng Lipa City dahil kahit bago pa lang siya sa Kongreso ay ipinagkatiwala sa kanya ang isang committee.

“Nagpapasalamat ako, saka malaking karangalan yun sa akin.

“Dahil hindi lahat nabibigyan usually ng chairmanship ang neophyte.

“E, di ba, bago ako sa Kongreso?

“I’m very grateful na kahit bago ako, nabigyan ako ng oportunidad to chair a committee sa Congress,” pahayag ni Vilma nang nakapanayam namin kagabi sa Showbiz Talk Ganern radio talk show ng DZRH.

DOCUMENTED SURVEY. Nilinaw ng Star for All Seasons na ang desisyon niyang tumanggi sa death penalty ay hindi lang niya solong desisyon kundi mula rin sa constituents niya sa Lipa.

Paliwanag nito, “Unang-una, isa akong taong nagpapahalaga sa buhay.

“Pangalawa, as a representative naman ng Lipa at district ng Batangas ng Lipa City, ginawa ko naman ang homework ko.

“Nagkonsulta ako sa mga Lipeño kung sila ba ay pabor o hindi sa death penalty.

“May mga sumagot din dun na they are in favor of death penalty.

“Kaya lang, mas nakararami pa rin ang hindi pabor.

“Siguro kasi talagang masyadong prayerful ang mga Lipeños.

“Nandun ang Carmel, nandun ang Cathedral, Archdiocese of Lipa...

“Medyo lumamang pa rin na they’re against death penalty.

“Obligasyon ko yun. Hindi ko puwedeng sundin ang sarili ko lang paniniwala o conviction.

“Kasi obligasyon ko na ikonsulta ko ‘yan sa mga constituents ko sa Lipa.”

Dagdag niyang pahayag, “Documented sa akin yun—yung mga in favor, ang mga hindi in favor, yung mga gumawa ng desisyon—hawak ko lahat ang dokumento sa opisina ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro ang naging rating namin dun ay parang 40-60—yung 40 favor sa death penalty, ang 60 hindi favor sa death penalty.

“Nagkataon naman na akong representative nila ay nagpapahalaga sa buhay.

“So, ako naman, bago magbotohan ay sinasabi na nila na ang mga leaders ay tatanggalan ng chairmanship.

“E, yun na ang tinatawag nating paninindigan, na kahit na may ganun ang kapalit.

“Pero yung importante ay yung paninindigan mo sa iyong sarili, dahil yun ang pinakaimportante sa isang tao.”

STANDING FIRM IN HER CONVICTION. Marami raw ang nagtanong sa kanya kung fair ba ang ginawa sa kanilang mga nag-No sa Kongreso.

Saad ng actress-politician, “Wala naman tayong puwedeng ilaban diyan dahil yun ang panununtunan nila.

“How can you argue kung yun ang ipinatutupad nilang panuntunan?

“Kaya naman sinabi nila nung una na kapag mag-No, e, ito ang magiging kapalit.

“How can you argue kundi sumunod ka na lang?

“Kaya lang, kahit alam mong ganito na yung kapalit, pinanindigan mo pa rin ang paniniwala mo at yung conviction mo.

"At ako nga ay naniniwala na importante ang buhay ng tao,” diin pa ng actress/politician.

STILL SUPPORTS GOVERNMENT. Nilinaw ni Vilma na ang pag-No ay hindi ibig sabihin kumukontra na siya sa pamamalakad ng gobyerno.

Nandun pa rin daw ang suporta niya sa adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ating mga mamamayan.

“Ayoko naman ma-misinterpret na hindi ibig sabihin na nag-No ako ay kalaban na nila ako, at porke’t nag-Yes sila ay galit na ako sa kanila.

“Respeto lang yun ng opinyon at paniniwala.

“At the end of the day ay nandito pa rin ako para magsilbi sa mga nagtiwala sa akin, at sa mga Pilipino,” paglinaw ng Representative ng Lipa.

Tuloy pa rin naman daw ang panunungkulan niya sa mga taga-Lipa at miyembro pa rin naman daw siya ng sampung Committee sa Kongreso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN