Tweetie de Leon hints at possibility of showbiz comeback

IMAGE Glen Sibonga

Model-turned-actress Tweetie de Leon-Gonzalez on possibility of making her showbiz comeback: "Hindi pa dumarating, wala pa [offer]. It hasn't arrived so I never had to deal with a decision like that."


Hindi pa masagot ni Tweetie de Leon-Gonzalez kung gugustuhin niyang bumalik ulit sa pag-arte.

Wala naman daw kasi siyang natatanggap na offer para umarte ulit.

“Hindi pa dumarating, wala pa [offer].

“It hasn’t arrived so I never had to deal with a decision like that.

“Kung mayroon man akong role na ine-enjoy ngayon, it’s the role of being a good mother to my four children, and of course, a wife to my husband,” sabi ni Tweetie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tweetie sa intimate presscon ng iniendorso niyang Organique Acai Premium Blend sa Paparazzi restaurant ng Edsa Shangri-La Hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong City, noong Biyernes, March 17.

Ang event na ito ay nagsilbi ring extension ng 50th birthday celebration ni Tweetie noong March 2.

Nakasama niya sa presscon ang isa sa owners at vice president for marketing ng Organique na si Catherine Salimbangon.

Mula sa pagiging supermodel, nagsimula ang acting career ni Tweetie nang siya ang mapiling bagong leading lady ni Vic Sotto sa '90s TV sitcom na Okay Ka, Fairy Ko.

Siya ang pumalit kay Alice Dixson na unang gumanap bilang si Faye.

Asawa ni Tweetie si Vic bilang si Enteng Kabisote at anak nila si Aiza, na ginampanan ng noo’y child star pang si Aiza Seguerra.

Si Tweetie rin ang gumanap na Faye sa dalawang naunang movie versions ng Okay Ka, Fairy Ko. Pero pagkatapos ang ilang taon ay nagpaalam din siya sa show.

Bakit ba siya umalis sa show noon at tuluyan nang tumigil kinalaunan?

Pagbabalik-tanaw ni Tweetie, “Well, I left Okay Ka, Fairy Ko kasi I was pregnant na with my first child.

“And then, nakakahiya mang aminin, sunud-sunod na yung pregnancy ko.

“So, even fashion modelling stopped na for me.

“I was at that point in my life na I wanted to do something else, I wanted a change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang napagod akong magtrabaho, gusto ko nang maging nanay.”

MISSING HER OKAY KA, FAIRY KO CO-STARS. Kung mayroon man daw siyang nami-miss sa showbiz, ito ay ang mga taong nakatrabaho niya sa harap at likod ng camera, lalo na ang team ng Okay Ka, Fairy Ko.

Kuwento niya, “You know, kasi sa akin, parang ano siya, e… it was a weekly meet-up with barkada, parang ganun.

“And that kind of thinking provided the chemistry for everybody.

“So, when I look back, it wasn't work, you know what I mean?

“It was like a weekly gathering of friends and we laugh siguro 80 percent of the time.

“And then, ‘O serious na, serious na. I-memorize mo iyan. Patay ka sa akin pag nagkamali ka.’

“Nami-miss ko everything about it.

“I miss Tita Chat [the late Charito Solis as Ina Magenta], na pinapagalitan ako minsan.

“Pero hindi iyon galit sa akin, kasi galit iyon sa late.

“E, ako, I’m always punctual.

“I learned many things from the more senior members of the whole family."

Patuloy niya, “When I say naman the whole Okay Ka, Fairy Ko, it’s not just the cast.

“Nandoon yung mommy at daddy ni Aiza, who I connected very well with.

“I connected with our makeup artists, si Ate Luding, Nanay Patring.

“And then the mom of Prinsipe K [Bayani Casimiro Jr.].

“I just felt na although I was a leading lady there, I didn’t feel naman na I was anything special. Kumbaga, I’m just one of them.”

Na-miss niya rin ba si Bossing Vic?

Natawa muna si Tweetie bago sumagot, “Lahat naman sila. I became close even to the crew, e.”

Hindi ba siya niligawan ni Bossing noon?

“Hindi, e. Hindi niya ako type,” biro niya.

“Basta we were a family there, e.

“Mayroon kaming mommy, si Tita Chat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon kaming little girl, si Aiza, who became my inaanak in confirmation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN