Lorna Tolentino closes door on love: "I'm too old to make landi pa."

IMAGE Noel Orsal

Veteran actress Lorna Tolentino admits that she's closed her door on love: "Okay lang naman to make friends with everybody. Dating? Dyusko Lord, okay na ako."

 


Tinuldukan na ng Grandslam Queen na si Lorna Tolentino ang usapin tungkol sa pag-ibig.

Ayon kay Lorna, masyado na raw siyang matanda para umibig pang muli.

Saad ng 55-year-old actress, “No na. I’m too old to make landi pa.

"Hindi na talaga.”

Wala bang nagpaparamdam sa kanya ngayon?

Natatawang tugon ni Lorna, “Okay na, kasi alam niyo, unang-una, number one, iku-consider mo age.

"Number two, yung mga anak mo.

“Number three, your hormonal thing, na dinadaanan mo habang tumatanda ka.

"Iba. So bat naman kailangan mong magsama pa ng taong maiinis lang sa hormonal imbalance mo?”

Wala naman daw problema sa kanya ang pakikipagkaibigan.

Aniya, “Okay lang naman to make friends with everybody.

"Dating? Dyusko Lord, okay na ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa launching ni Kylie Padilla bilang bagong endorser ng Watsons Switch and Save campaign nitong nakaraang Huwebes, March 16, sa Shangri-La Hotel, Makati.

Matagal nang endorser si Lorna ng nasabing brand.

ABS-CBN COMEBACK. Pagkatapos ng limang taon, nagbalik si Lorna sa ABS-CBN.

Gaganap siyang kontrabida sa primetime series na Victims Of Love na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Julia Montes, JC Santos, at Paulo Avelino.

Kuwento pa niya tungkol sa kanyang role, “Hindi ako mabait. Kontrabida.

"Hindi siya white, hindi siya pure.

"Gray siya na medyo may pagka-black na.”

Aminado naman ang beteranang aktres na nahihirapan siya kapag kontrabida roles ang naibibigay sa kanya.

Dito raw siya mas lalaong natsa-challenge.

Dagdag niya, “Kasi mas madali maging mabait kasi lahat tayo mababait.

"Basically, lahat tayo mababait.

"Madali yun, pero yung pagkokontrabida, huhugutin mo yung what’s evil in you.

"It’s kinda hard.”

Matapos ang halos dalawang taong hindi pagtanggap ng mga TV projects, nakumbinse raw siyang magbalik-telebisyon nang ialok sa kanya ang seryeng Victims of Love.

Sabi niya, “Maganda yung istorya.

"The role, yung story, and then yung makakasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Exciting yung mga kasama ko, e.

“Exciting kasi alam mo na yung mga makakasama are all 'giving' actors.

"Hindi ka mahihirapan as an actor, masarap makakasama yung mahuhusay lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN