Christian Bautista in no hurry to settle down with non-showbiz GF Kat Ramnani

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista admits that he's trying to keep his love life private: "More than a year na kami. Hindi kami masyadong out. Chill-chill lang. I prefer it that way kaysa sa sobrang public."


Mahigit isang taon na ang relasyon ng singer-actor na si Christian Bautista sa non-showbiz girlfriend nitong si Kat Ramnani.

Pero hanggang "chill-chill" lang daw muna sila at hindi pa nila pinag-uusapan ang pagpapakasal.

Kuwento ng 35-year-old Kapuso star, “Tingnan natin.

“Alam mo naman ako medyo private na ako sa mga ganyan, pero the time will come definitely.

“More than a year na kami.

"Hindi kami masyadong out. Chill-chill lang.

"I prefer it that way kaysa sa sobrang public.”

Sa tingin ba niya, ang pagiging pribado ng kanilang lovelife ang naging susi upang magtagal sila ni Kat?

Tugon ni Christian, “It depends din sa inyong dalawa.

"E, private kasi akong tao, e.

"That’s my blessing and my curse, e.

“I’m a private person in showbiz.

"Ang hirap nun, e. Private person in showbiz.

"I can’t believe nga, e.

"I lasted 13, 14 years in showbiz, so I’m learning, still learning from everyone.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa Watsons Switch and Save event nitong nakaraang Huwebes, March 16, sa Shangri-La Hotel, Makati.

ALBUM, PRIMETIME SERIES. Feeling blessed din ang singer-actor dahil naipagsabay niya ang pagkanta, pag-arte, at pagkakaroon ng magandang buhay pag-ibig.

Balita pa niya, after two years ay maglalabas na din siya ng bagong album sa mga susunod na linggo.

Bukod pa rito, excited na rin siya sa nalalapit na pagpapalabas ng GMA ng Pinoy remake ng My Love From The Star dahil kabilang siya sa mga bida rito.

Dagdag pa niya, “Ako si Vince dun, ako yung bestfriend niya [Jennylyn Mercado] na mahal na mahal ko siya.

"Ang saya-saya namin.

“I enjoyed it so much. I’m really enjoying it.

"Sana maipalabas na soon. Tape lang kami ng tape.

"Sana magustuhan nila.

“Yung role ko maganda kasi parang papabor ka rin sa kanya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow, mahal na mahal niya talaga si Steffi. So I’m doing my best.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN