Rafael Rosell on why marijuana use is better than drinking alcohol

IMAGE Noel Orsal

Rafael Rosell on proposed bill to restore death penalty in the Philippines: "Knowing how corrupt our government is, at kung gaano kalabo mag-decide at maghusga ang gobyerno, dito pa talaga tayo mag-death penalty."


Pro-life ang Kapuso actor na si Rafael Rosell, kaya kontra siya sa panukalang-batas na ibalik ang death penalty sa Pilipinas.

Maliban dito, para kay Rafael, kuwestiyonable ang ipinapanukalang parusa na ipinapataw lamang sa kasong droga.

Saad ng aktor, “I just think maybe a little unfair na may mga bagay na tinanggal dun na medyo suportado sa gobyerno.

“Wala na yung plunder, di ba? Wala na yung rape.

“So, you’re ruining someone else’s life.

“You’re traumatizing them for life, and then yun ang tatanggalin sa death penalty.

“So, ano na lang ang natira, droga?

“I think we’re in a state na sobrang confused tayo sa kung ano ang droga at kung ano ang gamot.”

Nakausap ng PEP.ph si Rafael sa pagtitipon ng Nisce Skin ‘N Face, sa SM Megamall, noong Sabado ng hapon, March 18, kung saan ini-launch ang dalawang bagong facelift machines na Oxygeneo at Sygmalift.

MARIJUANA USE. Kaugnay ng isyu tungkol sa death penalty, pumasok ang usaping paggamit ng marijuana.

Noon pa man ay very vocal na si Rafael sa pagsasabing ang marijuana ay isang halaman na mabisang panggamot ng maraming karamdaman, at hindi isang ipinagbabawal na gamot.

Saad niya, “Tingnan mo naman ang marijuana.

“Hindi pa natin alam kung saan natin i-categorize ‘yan.

“Sa States, gamot na siya. Sa Europe, gamot na siya.

“So, pag may nagpagamot dito [sa Pilipinas], ano? Is he qualified for the death penalty?

“And knowing how corrupt our government is, at kung gaano kalabo mag-decide at maghusga ang gobyerno, dito pa talaga tayo mag-death penalty.

“Sino ang qualified para maghusga nun?”

Ibinahagi ni Rafael na legal ang paggamit ng marijuana sa Amsterdam, Netherlands.

Doon daw niya nakita kung gaano kagulo ang mga nag-iinuman sa isang bar, pero sa mga lugar na ang mga tao ay naghihithit ng marijuana, tahimik at walang may nag-aaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rafae, “Replace alcohol. Replace nicotine, replace all those other drugs na ginawang legal, kasi mas delikado yun, e.

“No one ever died of marijuana, na na-overdose.”

Patuloy ng Kapuso actor, “I wouldn’t bring friends to a bar dahil ang rowdy, e. Nagsusuntukan.

“Sa isang coffee shop naman na kung saan nag-smoke sila ng marijuana, may mga turista na hindi magkakilala, nagbabasa ng libro, nagsi-share ng studies, tinuturuan kung paano mag-travel sa Europe.

“Dalawang magkalaban na team nagru-roll ng kanya-kanyang ano para mag-exchange, kahit talo man sila, ang peaceful, sobra.

“Kung puwede ko lang ipakita sa buong Pilipinas yung pagkakaiba ng alak at marijuana.

“I think it’s very sad na it’s illegal dito.

“There’s so many illnesses na puwedeng ma-cure dahil sa marijuana.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN