Piolo Pascual on viral kissing video with son Iñigo: "It's a blessing."

IMAGE Noel Orsal

Noong una raw ay napikon si Piolo Pascual sa bashers ng kissing video nila ng anak na si Iñigo. Pero napag-isip-isip daw niyang hindi naman kailangang patulan ang mga ito. 


Si Piolo Pascual na mismo ang nagbukas sa media tungkol sa viral kissing video nila ng anak na si Iñigo Pascual.

Nitong weekend ay kumalat sa social media ang nasabing video, kung saan makikitang hinalikan ni Iñigo sa labi ang amang si Piolo. 

Read: Piolo-Iñigo sweetness caught on cam

Pahayag ng 40-year-old Kapamilya actor, "Ano ba ang sasabihin ko? Paano ko ba sasagutin ‘yan?

"Kasi puwede kang maging pikon, puwede kang maging defensive.

“But, you know what, at the end of the day, blessings yung ganung experience na habang nabubuhay ka pa, you get to experience that with your family, be it with your son, for that matter.

“Wala akong sasabihin sa mga bashers.

"It’s a blessing kung ginagawa sa akin ng anak ko yun, kasi ganun ako pinalaki ng magulang ko."

Dagdag pa ni Piolo, hanggang ngayon ay hinahalikan pa rin niya sa labi ang kanyang ina. 

Ayon pa sa tinaguriang Ultimate Heartthrob, mahilig talaga siyang maglambing sa mga bata.

“Ako, gustung-gusto ko talaga nilalambing yung mga bata, kasi kapag lumaki na, e, hindi mo na puwede lambingin.

"Kasi para sa akin, para gawin ng anak ko iyon sa akin, gagawin ko rin sa nanay ko yun.

"Kasi ang sarap pasayahin ng pakiramdam ng mga magulang mo."


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual reveals how he accepted son Iñigo
Piolo Pascual reveals how he accepted son Iñigo
Piolo Pascual happy about relationship with Shaina Magdayao
Piolo Pascual happy about relationship with Shaina Magdayao
Piolo Pascual is the new Optical Media Board ambassador
Piolo Pascual is the new Optical Media Board ambassador

“HINDI KAILANGANG PUMATOL.” Aminado naman si Piolo na nung una ay napikon siya sa mga nang-bash sa video nila ni Iñigo.

Pero hindi siya nagpadalus-dalos na sagutin ang mga ito dahil masaya naman daw siya sa magandang relasyon nila ng 19-anyos na anak.

Saad niya, “Ang sarap kaya nung pakiramdam!

“At first, gusto mong bumawi, gusto mong sabihin na, ‘Ano ba kayo, blessing kaya yun?’

“Pero sabi ko, 'Hindi naman kailangang pumatol.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa grand presscon ng Northern Lights: A Journey To Love, ngayong Lunes, March 20, sa Valencia Events Place, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Northern Lights ay pinagbibidahan din nina Yen Santos at Raikko Matteo.

Mula sa Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema, ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa March 29. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN