Piolo Pascual and Lolit Solis bury the hatchet with a tight embrace

IMAGE Noel Orsal

Nagyakapan nang mahigpit ang dating nagkademandahang sina Piolo Pascual at Lolit Solis sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan ng aktor, ang Northern Lights: A Journey To Life, ngayong Lunes, March 20. 


Tuluyan nang nagkaayos ang aktor na si Piolo Pascual at ang beteranang talk-show host/columnist na si Lolit Solis matapos ng halos isang dekadang hindi pagkakaintindihan.

Matatandaang idinemanda ni Piolo at ng kapwa niya ABS-CBN star na si Sam Milby si Lolit dahil isinulat nito sa kanyang column na "Take It! Take It!," na lumabas sa Pilipino STAR Ngayon noong October 15, 2007.

Ayon sa report ni Lolit, nakita niyang magkasama ang dalawang Kapamilya stars sa poolside ng Sofitel Hotel at nagpapakita raw ng kakaibang "sweetness" sa isa't isa.

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Lolit, ngunit hindi nito binawi ang isinulat.

Read: Lolit Solis apologizes to Sam and Piolo but refuses to retract article

Dahil dito ay nagsampa ng reklamo sina Piolo at Sam laban sa dating Startalk host.

Read: FIRST READ ON PEP: Piolo Pascual and Sam Milby file libel case against Lolit Solis

Ngunit noong May 2008 ay iniurong din ng dalawang Kapamilya stars ang demanda laban kay Lolit.

Read: Piolo Pascual and Sam Milby drop libel case against Lolit Solis

THE EMBRACE. Pagkalipas ng halos sampung taon, tuluyan nang tinuldukan nina Piolo at Lolit ang kanilang alitan sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap.


Sa kalagitnaan ng grand presscon ng pinagbibidahang pelikula ni Piolo na Northern Lights: A Journey To Love, ngayong Lunes, March 20, ay binati ni Piolo si Lolit, na isa sa mga invited entertainment press.


Pagkatapos ng Q&A, nilapitan naman ni Lolit si Piolo para magpa-picture at nagyakapan nang mahigpit ang dalawa.


 

“VALUE EACH ONE.” Sa panayam sa aktor matapos ang Q&A, inamin ni Piolo na kahit hindi ito ang unang pagkakataong nagkasalubong ang landas nila ni Lolit, mula noong natapos ang kanilang demandahan, parang ang gaan-gaan lang ng pakiramdam niya na nasa invited press ang beteranang kolumnista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa ni Piolo, “Napakaliit ng mundo natin sa showbiz and it’s all about… yung sinasabi ko sa anak ko.

"People you see going up are the same people you gonna see going down, so you have to value each one.

“Make sure na wala kang loopholes or walang kaaway, wala kang tinatapakan. Wala kang gagamitin.

"Kung meron mang mga hindi pagkakasundo o disagreement, settle it.

“Because these are the same people you get to see every day in your life, you know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN