Piolo Pascual breaks down over Mother Lily's heartwarming message

IMAGE Noel Orsal

Malaki ang paghanga ni Piolo Pascual sa pagpapahalaga ni Mother Lily Monteverde sa paggawa ng pelikula. Masaya rin siya sa suporta ng Regal Entertainment, Inc. sa kanya mula noon hanggang ngayon.


Hindi napigilan ni Piolo Pascual ang maiyak sa presscon ng kanyang bagong pelikulang Northern Lights: A Journey To Love, ngayong Lunes, March 20.

May inihanda kasing mensahe para sa kanya ang film producer at Regal matriarch na si Lily Monteverde.


Habang binabasa ni Mother Lily ang kanyang mensahe, bigla na lamang humagulhol ang aktor.

Bahagi ng mensahe ng Regal matriarch, “The first time I met Papa P, I knew he was special.

“Not only do I find him to be a brilliant actor, he is a diligent one as well.

“His eyes speak of sincerity, his heart filled with compassion for others.

“Right there and then, I thought this guy would go a long way in his career. I was right.”


Sinabi rin ni Mother Lily sa kanyang talumpati na 14 taon na ang nakararaan, gumawa si Piolo ng pelikula sa Regal Films, ang I Think I’m In Love, katambal si Joyce Jimenez.

Matagal na panahon daw bago muling nakabalik sa kanilang film outfit ang Kapamilya star.

“And after 14 years, I wished that he would do another movie with us.

Northern Lights: A Journey To Love is an answered prayer.

"Our common love and passion for the art led him to a new journey back to Mother Lily and Regal.”


Ibinunyag din ni Mother Lily na sa last shooting day ng pelikula ay ibinahagi ni Piolo ang kanyang talent fee sa buong staff and crew.


A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

“THINGS TO BE THANKFUL FOR.” Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo matapos ang presscon proper ng Northern Lights: A Journey To Love, sinabi niyang nakaka-humble ang pagmamahal na ipinakita sa kanya ni Mother Lily.

Saad ng 40-year-old actor, “Naiyak ako, e. Kasi bata pa lang ako, nanonood na ako ng mga Regal movies, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nung tumawag sa akin si Miss Roselle [Monteverde], 9 A.M. yun, papunta ako ng ASAP, I was driving kahapon...

"Kausap ko si Mother. She was saying, ‘Just be happy. Maganda yung pelikula natin,’ this and that.

"Pagbaba ko, sabi ko, ‘Grabe, si Mother, tumawag sa akin, o.’"

Patuloy ni Piolo, “Parang na-remind lang ako na these are the things that you're gonna be thankful for.

“And, you know, na nakakataba ng puso na they exert extra effort to make you feel good, make you feel special.

“Yung mga ganun lang, sobra akong masaya on the way Mother is… sa trabaho, sa tao na nakakasama niya.

“It’s all about giving back.

"She’s been in the business for many decades and she still has that passion. Nakaka-humble."

Samantala, sa March 29 na ang showing ng Northern Lights: A Journey To Love na hatid ng Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema.

Bida rito sina Piolo, Yen Santos, at Raikko Mateo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN