Victor Neri laughs off video scandal of friend Bernard Palanca

IMAGE Noel Orsal

Victor Neri on taking videos: "Ang tao kasi ngayon, lahat may camera, e. I don't know, feeling ng lahat ng tao, they have the right to video anybody, lahat ng taong gusto nila. Para sa kanila, it's entertaining. Hindi nila alam, it's intruding."


Inamin ng aktor na si Victor Neri na napanood niya ang umano'y video scandal ng kaibigan niyang si Bernard Palanca.

Aksidente raw niya itong nakita sa pamamagitan ng Facebook.

Pero aniya, “Tinawanan na lang namin. May Viber group kasi ang barkada.”

Read: Bernard Palanca private video leaked on the Internet

Diretsahan naming tinanong si Victor kung naisipan din niyang i-video ang sarili kahit minsan lang.

Tugon niya, “Hindi, never… ewan ko, never lang.

“Hindi ako mahilig sa camera or social media.

“Kung mapapansin niyo, very, very minimal ang posts ko.”

Hindi siya na-curious na gawin yun?

“Hindi, minsan nga sinasabihan ako, ‘Nasaan ang phone mo?’

“Minsan nga noon, nagdi-date ako, ‘Nasaan ang phone mo?’ Ayoko ng ganun.”

Conscious siya sa mga ganung sitwasyon?

Ayon kay Victor, “Very conscious ako, especially now.

“Ang tao kasi ngayon, lahat may camera, e.

“I don’t know, feeling ng lahat ng tao, they have the right to video anybody, lahat ng taong gusto nila.

“Para sa kanila, it’s entertaining. Hindi nila alam, it's intruding.”

Ano ang advice niya sa nagbi-video ng kanilang private moments , lalo na sa mga artista?

Ayon kay Victor, “Wala naman, kanya-kanya. Baka ‘yan ang trip nila.

“Like, sa generation now, ibang-iba. Gustung-gusto nila na nalalaman ang ginagawa nila.

“Like, mga teenagers, gusto nila ‘yan, e.

“Noong tayo noon, ayaw natin.

“Pati sa trabaho ng journalist. Before sa amin, talagang may mga assets pa kayo.

“Para kayong mga pulis na may magsusumbong pa sa inyo, ibe-verify niyo.

“Ngayon, ano pa ang ibe-verify niyo, sila mismo ang nagpu-post?

“Like, ‘Nandito ako sa beach, kasama ko ‘to…’

“So, parang iba-iba na ang dynamics ng culture ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

DEATH PENALTY. Tinanong din ng PEP si Victor tungkol sa isinusulong na saligang-batas sa pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Yes, yes, pabor ako.

“But sana, isinama rin ang plunder and especially rape.

“Kasi, wala namang excuse para mang-rape.

“Sana lang, nag-open consultation sila. Ipinakita nila ang deliberation kung papaano.

“Kasi, Congress is our representative. They should have discussed it with the people.

“Kahit walang say, kailangang naririnig ng tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN