Arci Muñoz shrugs off comments that breakup with Badi del Rosario is just a gimmick

IMAGE Noel Orsal

Arci Muñoz on status of her love life:"Love life? Ayoko, libre na muna ako. Wala, e, siguro lalaki din ako!"


Hindi apektado ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz sa mga nagsasabing gimik lang daw ang breakup nila ni Badi del Rosario para may bagong pag-usapan sa kanya.

Pahayag ni Arci, “Hindi, wala akong pakialam sa kanila.

“Hind ako nagbabasa ng mga comments, ‘no, wala akong pakialam sa mga ganyan.

“I live my life the way I wanna live it.

“Wala talaga, e, wala naman talaga.”

Pero kumusta ang love life niya ngayon?

“Love life? Ayoko, libre na muna ako.

“Wala, e, siguro lalaki din ako!” natatawang biro ng Kapamilya actress.

Inamin naman ni Arci na hindi na sila madalas nakakapag-usap ni Badi pagatapos nilang mag-break.

Natatawang sabi ng aktres, “So lame!

“Wala, okay naman, trying to be okay.

“Ewan ko, ngayon, hindi na siguro muna. Ngayon, hindi na masyado.

“Okay na yun, siguro sign na rin ni God na mag-concentrate na muna ako sa mas importanteng mga bagay.

“Siyempre, may mga moments ka, di ba, na siyempre minsan may mga bagay kang maaalala.

“Ang tagal namin, four years, tapos biglang nawala lahat.”

Ayon pa kay Arci, “Okay naman, happy naman.

“And ang talagang sinisigurado ko, sinu-surround ko ang sarili ko with important people.

“People who really matter to me; like my sister, my mom, my friends.

“Masaya din ako kasi nandito ako sa I Can Do That. Kasi ‘yang mga ‘yan, mga baliw din sila.”


Stories We Are Tracking

Arci Muñoz reveals breakup with Brunei's prince son
Arci Muñoz reveals breakup with Brunei's prince son
Arci Munoz puts relationship in background of career
Arci Munoz puts relationship in background of career
<p>Arci Muñoz sees herself marrying current boyfriend

Arci Muñoz sees herself marrying current boyfriend



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN