Angel Locsin on not playing Darna again: "Ayaw kong isipin ng tao na hindi ko sinubukan."

IMAGE Facebook (Angel Locsin)

Angel Locsin and ABS-CBN came to a final decision that the actress will no longer play the iconic role of Darna after she experienced back pains during training. (Right photo) Angel first portrayed the role of Darna in a GMA primetime series back in 2005.


“Sinubukan po namin talaga, pero the spirit is very willing but the flesh is weak."

Ito ang bahagi ng pahayag ni Angel Locsin sa balitang hindi na niya magagampanan ang papel bilang Darna, ang iconic Pinay superhero na muling isasapelikula ng Star Cinema.

Sinabi pa ng Kapamilya actress na pinilit niyang paghandaan ang role dahil marami ang umaasa sa kanya, kahit na ipinagsapalaran niya ang kanyang kalusugan.

"Ayaw kong isipin ng tao na hindi ko sinubukan o di sinubukan ng ABS-CBN,” sabi ni Angel sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe.

Noong December 2015 ay nagtungo si Angel sa Singapore para magpaopera dahil sa kanyang disc bulge, ang dahilan kung bakit unang inanunsiyo ng aktres at ng ABS-CBN na hindi na niya magagampanan ang role na Darna.

October 2015 nang unang maglabas ng official statement ang ABS-CBN na hindi na magagampanan ni Angel ang role “due to health reasons.”


Stories We Are Tracking

Angel Locsin reveals new Darna has been chosen
Angel Locsin reveals new Darna has been chosen
<p>Angel Locsin undergoes surgery in Singapore</p>

Angel Locsin undergoes surgery in Singapore

Angel neither confirms nor denies if she'll still play Darna
Angel neither confirms nor denies if she'll still play Darna
Angel still noncommittal about playing Darna again
Angel still noncommittal about playing Darna again

Sa kabila nito, may mga lumabas na mga larawan si Angel, habang nagti-training sa gym, sa social media noong 2016.

Dahil dito ay nabuhayan ng loob ang mga tagasuporta ng aktres na sa kanya pa rin mapupunta ang role ng superheroine, na una niyang ginampanan sa telebisyon noong 2005.

Sa mga sumunod na interview, tahimik si Angel sa tuwing matatanong kung gagampanan pa rin ba niya ang role. 

Kinumpirma ni Angel sa isang recent interview na muli siyang bumalik sa training upang paghandaan ang role na nilikha ng graphic novelist na si Mars Ravelo.

Sabi niya, “Gusto kong magawa siya kasi parang ang daming umaasa.

"Ayaw kong maka-disappoint kahit alam ko na inilalagay ko na ang sarili ko sa risk."

GIVING UP ON DARNA. Pero dahil sa muling pagsakit ng kanyang likod ng dalawang beses, kinailangan na niyang isuko ang papel sa pagkakataong ito.

Lahad ni Angel sa panayam sa kanya ni MJ, "Actually, hindi ako nag-report. Nalaman na lang nila kasi nakatutok ang ABS-CBN sa training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-report ng coach ko na nakaramdam ako ng pain ulit.

“Sinabihan na ako ng ABS-CBN, 'O, pinipilit mo na naman. Masyado mong pinipilit, baka kailangang pag-usapan yung safety mo talaga.'

"Sinabihan ako ng doctor ko na hindi ako bibigyan ng clearance kapag nakaramdam ako ng pain.”

Kaya kahapon, March 20, Lunes, muling naglabas ang official statement ang ABS-CBN tungkol sa “final decision” na hindi na magagampanan ni Angel ang iconic role.

Pero sa kabila nito, magiging abala si Angel sa ibang proyekto.

Paniniyak ng aktres, “Sa mga nagtataka kung ano ang nangyayari, kasi five years in the making, baka iniisip nila na tamad lang ako or may itinatago kami.

"Nagte-training kasi ako for Darna, pero dahil hindi na matutuloy yung project na 'yon para sa akin, may mga ibinigay ang ABS-CBN na very exciting na bagong projects."

Magkakaroon ng special role si Angel, kasama si John Lloyd Cruz, sa pagbibidahang teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang La Luna Sanggre.

Nakatakda rin siyang gumawa ng mga pelikula kasama si Coco Martin at James Reid.

Isa ring teleserye ang nakatakdang gawin ni Angel para sa kanyang home network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN