Joross Gamboa reacts to Bernard Palanca's video scandal

IMAGE Noel Orsal

Joross Gamboa on his past video scandal: "Alam mo, yung mga pinagdaanan, kumbaga magagamit mo yun in a way para sa ibang tao. Yung testimony mo, kung anuman pangit na nakaraan, may paraan 'yan na magagamit mo para sa maganda."


Minsan nang naging biktima si Joross Gamboa ng leaked private video sa Internet, pero survivor siya dahil nalampasan niya ang malaking pagsubok na naranasan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross sa taping ng Encantadia kahapon, March 21, tinanong namin siya kung ano ang maipapayo niya kay Bernard Palanca, na nasasangkot ngayon sa parehong kontrobersiya.

Puwedeng sagutin at puwedeng hindi ang sinabi ng PEP kay Joross, pero pinili nitong sumagot.

Pahayag ng Kapuso actor, "Hindi ko napanood, e. Saka bakit ko panonoorin?

"Ang payo na lang sa lahat, ipagpasa-Diyos na lang nila yung mga ano…

"Do not worry about the things that you cannot control.

"Worry won’t solve anything. Prayer does.

"Kahit anong problema yun, kapag wala ka nang magagawa, ipagdasal mo na lang, ipasa-Diyos na lang."

Dagdag pa ni Joross, "Alam mo, yung mga pinagdaanan, kumbaga magagamit mo yun in a way para sa ibang tao.

"Yung testimony mo, kung anuman pangit na nakaraan, may paraan ‘yan na magagamit mo para sa maganda."

Gaya ni Joross, kumalat at pinagpistahan ng publiko ang private video at nude pictures ni Bernard noong unang linggo ng Marso.

Walang reaksiyon mula kay Bernard o sa kampo nito dahil minabuti nilang manahimik.


Stories We Are Tracking

Bernard Palanca private video leaked online
Bernard Palanca private video leaked online
Joross Gamboa's alleged video scandal goes viral
Joross Gamboa's alleged video scandal goes viral
Joross Gamboa finally speaks up about video scandal
Joross Gamboa finally speaks up about video scandal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN