Julia Barretto calls Joshua Garcia "the brave one"; Joshua considers Julia his "golden girl"

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia explains "golden girl" tag to Julia Barretto: "Siyempre, dumarating sa artista rin yung bumabagsak, nawawalan ng project-project. Simula nang dumating siya, nagtuluy-tuloy na."


Bagamat magka-love team pa lamang, tila may espesyal na paraan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia para ilarawan ang isa't isa.

Sa nakaraang interviews ng dalawang Kapamilya stars, consistent si Julia sa paglalarawan niya kay Joshua bilang “the brave one.”

Si Joshua naman ay “golden girl” ang tawag kay Julia.

Sa panayam matapos silang ipakilala bilang bagong endorsers ng Jollibee Yum burger kahapon, March 21, tinanong ng entertainment reporters sina Julia at Joshua tungkol sa tawagan nila.

Ayon kay Julia, “There are many reasons why Joshua is very brave.

“First of all, it's because he's very honest with his feelings. That makes him very brave.

“When he does something, he doesn't ask for anything in return. Gusto niya lang mailabas, maiparamdam.

“He's brave because he does things without expecting anything in return, that makes him so brave.”

Dagdag ng 20-year-old actress, “He's so brave. He's just a brave guy. He's made out of the word brave.”

Para naman kay Joshua, itinuturing niyang “golden girl” si Julia dahil sa tamang timing ng pagdating ng dalaga sa buhay niya.

Pahayag ng 19-year-old actor, “Para sa akin, siya yung golden girl po.

“Magkaroon man ako ng maraming ka-love team, siya yung...

"Paano ko ba ie-explain? Kasi nanggaling ako dun sa...

“Siyempre, dumarating sa artista rin yung bumabagsak, nawawalan ng project-project.

“Simula nang dumating siya, nagtuluy-tuloy na.

“Kaya rin siya ang tinatawag kong 'gold' kasi tine-treasure ko lahat ng memories namin.”

Dahil sa sinabi ni Joshua, maituturing din ba ni Julia na “breakthrough” si Joshua sa kanyang showbiz career ngayon?

Sagot ng A Love to Last actress, “I'd be lying if I said no.

“I think everything that's happening in my life right now is a blessing.

“Everything that's happening in my life right now is happening for a reason, a very, very great reason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm just looking forward as to meeting that reason.

“But with whatever opportunity that's being given or handed to me, with Josh or with my other partner, we're just taking it in.

“We're doing our best and, hopefully, we shine in our own ways.”

Ang “other partner” na tinutukoy ni Julia ay si Ronnie Alonte, co-star nila ni Josh sa Vince & Kath & James at kasalukuyang kapareha ng aktres sa A Love to Last.

Sa parehong panayam, sinabi ni Julia na bagamat dalawa ang kanyang ka-love team, “We find something in common and we all get along and we all work so well together.”


Stories We Are Tracking

Julia grateful for unexpected love team with Joshua
Julia grateful for unexpected love team with Joshua


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN