Klea Pineda wishes to become a beauty queen

IMAGE Noel Orsal

Klea Pineda reveals her showbiz idol: "Siyempre po si Miss Jennylyn Mercado po! Di ba? Kitang-kita naman po natin na sobra yung achievement niya po mula noon hanggang ngayon, kahit noong mga nakaraang years, madami na po."


Ang maging beauty queen o pageant titlist ang isa sa wish ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda para sa kanyang 18th birthday.

Saad niya, “Para sa sarili ko, hindi man ako magtagal sa showbiz, hindi man ako maging forever sa showbiz, kahit magtagal man ako at magkaroon ako ng tatak sa bawat tao dito sa atin, okay na okay na po ako.

“Magkaroon po ako ng title, magkaroon po ako ng name or ng title as a beauty queen, title sa pagiging artist.”

Plano ni Klea na sumali sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon o sa 2019; 5’9 ang height niya ngayon.

Kung materyal na bagay naman, ano ang gustong matanggap na regalo ni Klea?

Mabilis niyang sagot, “Gusto kong magkaroon ng car! Sariling car.

“Nagwi-wish ako kila Papa. Sinabi ko, ‘Pa, gustung-gusto ko nang magkaroon ng car na sarili para pagka taping, hindi ko na nagagamit yung car nating pam-family.’ Para nakakaalis rin sila.”

Baka raw maiyak si Klea kapag sa debut party niya sa Sabado, March 25, ay susi ng bagong kotse ang ibigay sa kanya ng mga magulang niya.

Pero kung papipiliin daw siya, mas gusto niya ng engrandeng party kaysa kotse.

“Iyan nga po ang pinagkaanuhan namin bago ako mag-decide na mag-debut ako.

“Nag-iisip po talaga ako—bibili ba ako ng car o magde-debut ako?

“Tapos, later on, naisip ko po, sa isang babae, isang beses ka lang mag-e-eighteen years old, so bakit hindi mo gawing mag-debut ka?

“Huwag mong sayangin yung chance.

“Kasi sa mga susunod na araw o taon, hindi ka naman mag-e-eighteen ulit, wala nang chance ulit.

“Yung car po, di ba, puwede kahit kailan, kasi working naman ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Klea sa presscon na inihanda ng GMA Artist Center para sa pagdiriwang niya ng 18th birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon sa Limbaga 77 Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, March 21.

STARSTRUCK IDOL. Bilang produkto ng StarStruck, sino sa mga graduate ng artista search ng GMA Network ang idolo niya?

Sagot ni Klea, “Siyempre po si Miss Jennylyn Mercado po! Di ba?

“Kitang-kita naman po natin na sobra yung achievement niya po mula noon hanggang ngayon, kahit noong mga nakaraang years, madami na po.

“Yung mga movies niya, lahat po yun pinapanood ko. Sobrang ang galing-galing niya po talaga!”

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Klea si Jennylyn at isa iyon sa mga pangarap niya.

Huling napanood si Klea bilang Muyak sa primetime series na Encantadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN