Alex Medina unhurt in car accident; calls Quirino Highway "highway to hell"

IMAGE Noel Orsal

Nananawagan si Alex Medina sa lokal na gobyerno ng Novaliches na ayusin ang pagpapailaw sa Quirino Highway upang hindi na magkaroon pa ng maraming aksidente rito. Ito ay kasunod ng aksidenteng inabot niya nitong Martes ng madaling-araw, March 22. 


Nabangga ang kotseng minamaneho ng aktor na si Alex Medina sa may Quirino Highway, Novaliches, Quezon City, bandang alas-4 ng umaga ngayong Martes, March 22.

Ayon sa video na ipinost ni Alex sa Facebook, may sinusundan siyang sasakyan na masyadong malakas ang ilaw kaya tinangka niyang mag-overtake dito.

Ngunit dahil masyado raw madilim sa nabanggit na highway, hindi napansin ng aktor na may concrete barrier pala sa kalsada. Kaya sumalpok ang sasakyan niya rito.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex ngayong tanghali sa pamamagitan ng telepono.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa Diyos at hindi siya nagtamo ng anumang sugat o galos sa katawan, kahit makikitang wasak na wasak ang harapang bahagi ng kanyang sasakyan.

Masuwerte rin daw siya at mabagal lamang ang kanyang takbo.

Nanawagan din si Alex sa pamahalaang lokal ng Novaliches na gawan ng aksyon na mailawan lugar kung saan siya naaksidente.

Sa huli, sabi ni Alex sa kanyang Facebook post, “Home at last. It’s true what they say near-death experiences can really change your outlook.

"Salamat sa lahat ng nag send ng well wishes. Salamat papa God sa tulong mo at salita.

"Dami ko na realize today na might've changed something in me. Oh yeah and ingat kayo sa Quirino highway, literal na highway to hell.”

Si Alex ay anak ng veteran actor na si Pen Medina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN