Ellen Adarna digs up old harassment issue vs Cebu City mayor's son

IMAGE Facebook photo of Ellen Meriam Adarna (main) / Facebook photo of Ana Gabriela Beatriz Osmeña

Ellen Adarna questions Cebu City Mayor Tommy Osmeña's warning against "spoiled brats": "Pag sure tomas oi! Dugay kai tong na headline ug balita. Na trauma mi adto kai kuwang man diay sad imong 'BRAT.'" (Siguraduhin mo, Tomas oi. Matagal 'yong na-headline sa balita. Na-trauma kami no'n kasi kulang din pala ang iyong 'BRAT'.)


Naging palaisipan sa ilang followers ni Ellen Adarna ang kanyang reaksiyon sa pahayag ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña tungkol sa umano'y “spoiled brats.”

Sabi ni Mayor Osmeña tungkol sa "spoiled brats" sa Cebu: "You are nothing special. No matter who you are, whether you are Ayala or Henry Sy, I don't give a shit. If you commit a crime here, I will run after you. Whether you are David Lim, Peter Lim or David Lim, Jr., it does not matter to me."

Ang pahayag na ito ng alkalde ay kaugnay ng road-rage incident na nangyari sa Cebu City kamakailan, kung saan isang nurse ang binaril ng suspek na nakilalang si David Lim Jr.

Si David ay pamangkin ng pinaghihinalaang Visayan drug lord na si Peter Lim.

Sa kanyang Facebook post kahapon, March 21, binanggit ni Ellen ang “throwback feelings” tungkol sa isang “brat” na diumano'y nagpadala ng death threat sa kaibigan niya.

Sa naturang post, makikita ang screenshot ng balita tungkol sa pahayag ni Mayor Osmeña.

Sa caption nito, sabi ni Ellen: “REALLY? REALLY? REALLY???? WELL WELL WELL... WHAT DO WE HAVE HERE HAHAHAHAHA Throwback feelings when your 'BRAT' shot my kabarkadas digi cam, hung it on her gate and threatened us with a text message 'the next time this happens the bullet goes through your head.'”

Patuloy ng Kapamilya star, “Pag sure tomas oi! Dugay kai tong na headline ug balita. Na trauma mi adto kai kuwang man diay sad imong 'BRAT.'”

(Siguraduhin mo, Tomas oi. Matagal 'yong na-headline sa balita. Na-trauma kami no'n kasi kulang din pala ang iyong 'BRAT'.)

At press time, burado na ang naturang post sa timeline ng personal Facebook account ni Ellen.

Kapalit nito ay isang mas mahabang post, kung saan nilinaw ni Ellen na ang nauna niyang post ay hindi tungkol kay David Lim Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Ellen, “Dili ni about sa current situation about david lim jr.

“This is about tomas calling out all the spoiled brats of cebu (na affected ko gamay kai brat ko. Wai magbuot) but i guess nakalimot cya that his son did this to us years ago. BRAT sad iyang anak so... i think he should talk to him and walk his talk.”

(This isn't about the current situation about David Lim, Jr. This is about Tomas calling out all the spoiled brats of Cebu and I'm a little affected because I'm also a brat. But I guess he forgot that his son did this to us years ago. His son is also a BRAT so...I think he should talk to him and walk his talk.)

Kasama sa post na ito ang ilang larawan na tila konektado sa kanyang sinasabing insidente—screenshot ng nabanggit niyang text messages at ilang larawan ng digital camera na sinasabing binaril ng “BRAT” ni Cebu City Mayor Osmeña.

Sa dulo ay makikita ang isang link sa balita ng The Freeman tungkol sa insidente noong 2009.

MAYOR'S “BRAT” REACTS. Base sa post ni Ellen, marami ang nag-isip na ang tinutukoy niya “Brat” ay ang anak ni Mayor Tommy Osmeña.

Ito ay nakumpirma sa pamamagitan ng Facebook post ni Miguel Osmeña, anak ni Mayor Osmeña, gamit ang account ng kanyang asawa na si Ana Gabriela Beatriz Osmeña.

Si Anna Gabriela ay dating malapit kay Ellen at ng kaibigan ng aktres na si Samantha Benitez.

Dito ay inilahad ni Miguel ang kanyang bersiyon sa insidenteng tinutukoy ni Ellen na naganap noong 2009.

“Yes, in 2009, I found Bea passed out in a bar after some of her classmates called me to say her group (including Samantha Benitez and Ellen Adarna) abandoned her there.

"The same classmates told me a pill was slipped into Bea's glass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had to wipe the mud off her before carrying her to my car to bring her to the hospital.

"She had to go on IV, and it took her 3 hours just to wake up.

“Yes, I did call Samantha Benitez to ask what happened, and when answered with laughter, called her a worthless piece of shit.”

Kasunod nito ay iginiit ni Miguel na walang katotohanan ang akusasyon ni Ellen.

Aniya, “That's it. No camera was shot, much less delivered.

“Question lang: if Samantha was so alarmed by this death threat I supposedly sent her, why did she wait until I left back for the U.S. before making it public?

“The incident happened on a Friday. She went to media on a Tuesday, the day she KNEW I was leaving [because she's supposed to be Bea's friend] for my last semester of college.

“How am I supposed to answer her accusations if I'm gone?

“Also, I left alone, not with my parents as that article mistakenly reports.”

Kinuwestiyon din ni Miguel ang mga paratang ni Ellen tungkol sa umano'y death threat.

“If she [Samantha] was so convinced of my guilt, why did she fail to submit the camera to the NBI for fingerprinting and ballistics tests?

“I've seen pictures of that camera, anyone who's tried shooting a metal object like a can will tell you that bullets make round holes when going through thin metal objects, not jagged holes.

“She lives in a subdivision. Where is the guardhouse logbook the police was asking for?

“If she was so scared for her life, why did she wait three days for me to leave the country before making the issue public?

“If she was so traumatized, WHY DID SHE POSE FOR GLAMOUR SHOTS WITH THE EVIDENCE BEFORE CRYING ON MEDIA?”

Gusto raw sana ni Miguel na bumalik ng Pilipinas noon para ibigay ang kanyang pahayag, ngunit pinigilan daw siya ng kanyang amang si Mayor Osmeña.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa muling paglabas ng isyung ito tungkol sa kanya, giit ni Miguel, “8 years. Still no evidence submitted for an accusation with which I could have sued for libel but chose not to.”

Sa bandang huli ng kanyang mahabang Facebook post, nagbigay ng mensahe si Miguel sa mga dating kaibigan ng kanyang asawa na sina Samantha at Ellen.

“Samantha Benitez should continue moving on with her life. I doubt she wanted this whole drama to be dug up again anyway.

“Ellen Adarna should just carry on whoring herself to Baste Duterte before her rapidly diminishing shelf life finally expires.

“Perhaps after revealing that she also used to date the son of Peter Lim will she be able to assume the mantle of moral supremacy.”

Si Baste Duterte ay ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at nakarelasyon ni Ellen.

Ayon kay Miguel, napilitan siyang magsalita dahil nadamay na ang kanyang ama sa isyu.

“I wouldn't even have bothered to answer you if I was the only target.

"But I will not stand to be used as propaganda against my father. He's fighting so many battles as it is.

“This is the last thing I have to say on the matter: We are not poor. But we are not, and never will be, like you.

“We are happy. You should try to be too.”

Sa Facebook post na ito makikita ang screenshot ng naunang post ni Ellen, larawan ng pamilya ni Miguel, larawan ng digital camera na umano'y ginamit sa death threat, at ilang larawan ni Ellen kasama ang mga kaibigan nito.

MAYOR STANDS BY HIS SON. Ang naturang Facebook post ay ni-repost naman ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña.

Pahayag ni Mayor Osmeña: “Miguel has been the son of the mayor for 20 years.

“Ask anyone who knows him personally if he's what David Lim's friends say he is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Reserach and see if there's anything about him other than this one unproven accusation in the past 30 years of his life. I didn't raise a Joavan.

“Miguel also has two Summa Cum Laude degrees. Maybe the brats just don't understand what kind of discipline that takes.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang reaksiyon ni Ellen tungkol sa mga sinabi ni Miguel Osmeña, ngunit tumanggi siyang magbigay pa ng anumang pahayag.

Idiniin lamang ng aktres na ang post niya ay tungkol sa insidenteng nangyari noong 2009, at walang kaugnayan sa kasong hinaharap ngayon ni David Lim Jr.

Samantala, mananatiling bukas ang PEP sa anumang karagdagang pahayag mula sa mga taong nabanggit sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN