Glaiza de Castro to watch Coldplay concert in Singapore courtesy of Angelica Panganiban

IMAGE Allan Diones / Glaiza de Castro Instagram

Glaiza de Castro on friendship with Angelica Panganiban: "Parehas kaming luka-luka. Luka-luka ako in a different level. Reserved kasi talaga ako ever since. Pero siguro ganun, opposite kami. Hindi naman kasi puwedeng demure kami pareho. Anong mangyayari sa amin, di ba? Ha! Ha! Ha!"


Lilipad papuntang Singapore si Glaiza de Castro by the end of March para manood ng concert ng Coldplay.

Makakasama ni Glaiza sa nasabing biyahe ang close friend niyang si Angelica Panganiban dahil regalo sa kanya ng Kapamilya actress ang Coldplay concert ticket.

Matatandaang last December ay ipinost ng Kapuso actress sa Instagram ang picture ng isang sobre na Christmas gift daw sa kanya ni Angelica.

Tiket pala ang laman nito para sa Singapore concert ng sikat na British rock band. 

Ang caption ng Encantadia star sa IG post na yun: “So far, ito ang pinakapasabog na gift na natanggap ko.

“Naubos ko lahat, samahan ba naman ng gatas habang nakatitig sa sobre, iniisip kung anong magandang mangyayari sa susunod na taon.

"Amigah, salamat."

Nag-comment dito si Angelica ng: “Haha! Nakakabaliw, Amigah!!! Naka-wedding gown akong manonood. Baka maisipan ni Pareng Chris na pakasalan ako!”

Ang “Pareng Chris” na tinutukoy ni Angelica ay ang sikat na frontman ng Coldplay na si Chris Martin.

BONGGANG REGALO. Ito na nga ba ang pinakabonggang regalo na natanggap ni Glaiza from Angelica?

“Oo, nagulat nga ako, e. Kasi, parang nung una, napag-uusapan lang namin.

“Tapos sabi ko, ‘Naku, Amigah, parang hindi ko yata kakayanin.’

“Kasi, baka may Encantadia pa, so hindi pa ako sure,” bulalas ni Glaiza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Encantadia, sa Riverside Studio sa Makati City, nung Martes ng hapon, March 21.

Magkano ba yung tiket sa Coldplay concert?

“Hindi ko alam, e, pero VIP ticket siya!” tawa ni Glaiza.

Pero sa pagkakaalam niya ay mas mura ang tickets ng concert ng Coldplay sa Singapore, kumpara sa presyo ng Coldplay tickets dito sa Pilipinas.

Patuloy ni Glaiza, “Sabi ko nga [kay Angelica], ‘Amigah, wala na akong pakialam sa Coldplay.’

“Kumbaga, ang habol ko na lang dito, yung…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, first out-of-the-country trip namin nina Angelica at Ketchup, e. It’s more on bonding.”

Kasama rin sa trip na iyon ang kaibigan nilang si Ketchup Eusebio, na bigay rin ni Angelica ang concert ticket.  

Ang sabi ni Glaiza, sa March 30 ang kanilang flight to Singapore.

March 31 ang concert at hanggang April 2 daw silang mag-i-stay doon.

Yung kanyang airfare at hotel accommodation ay si Glaiza na ang nagbayad.

“Parang nakakahiya naman sa kanya [Angelica] kung lahat, ipapasagot ko, di ba?

“Yung accommodation, ako na ang sumagot nun, siyempre,” nakangiting sabi ng gumaganap na Sang’gre Pirena sa Encantadia.

Madali na lang for Glaiza na makapag-book ng airline ticket at hotel abroad dahil mayroon na siyang sariling travel agency called Galura Travel Depot, na kabubukas lang last week.  

GENEROUS FRIEND. Bukod sa komedyanteng si Ketchup ay makakasama rin nila sa Lion City ang younger brother ni Glaiza na si Alchris Galura, na si Angelica pa rin ang sumagot ng Coldplay ticket.

Natatawang hirit ni Glaiza, alam kasi ni Angelica na hindi siya papayagang magbiyahe abroad nang mag-isa dahil kilalang-kilala nito ang ina ng Kapuso actress, so may ‘plus one’ siya.

Ang sarap namang friend ni Angelica, napakagalante?

Ayon kay Glaiza, “A, ano na siya, e, kumbaga, nakasemento na siya sa life, e.

“In terms of material or financial, feeling ko, talagang secure na secure na siya.

“At feeling ko, isa ito sa mga paraan niya ng pagpapahalaga sa mga kaibigan niya.”

Sa tingin ni Glaiza, bakit na-maintain nila ni Angelica yung friendship nila kahit hindi sila magkasama sa iisang network?

Sagot niya, “Siguro dahil talagang kahit na tapos na yung contract ko sa ABS-CBN before, o tapos na yung show namin, we make it a point na nagkikita-kita pa rin kami outside work.

“Kasi, iba pa rin talaga yung outside work, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba yung taping friend, iba yung friend outside the show.

“So, na-maintain namin ‘yon dahil may effort yung bawat isa na, let’s say sa mahahalagang chapters ng buhay namin, like yung birthdays, o hindi lang ‘yon, kapag nararamdaman namin na, ‘A, kailangan kaming kausapin nito. Kailangan ng kausap nito,’ nandun kami para sa isa’t isa.”

Mga bagets pa raw sila nang magsimula ang friendship nina Glaiza at Angelica sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Berks (2002), nung Kapamilya pa si Glaiza.

Read: 12 "no network war" squads in showbiz

Dagdag niyang pag-aanalisa, “Malalaman natin kung sino yung mga tao na makakasama natin nang matagal through time.

“Kasi, kahit pa anong bonding niyo before, tapos kung mawawala rin ‘yon, parang masasabi natin na, ‘A, okey, tapos na yung chapter ko rito sa taong ito.’

“E, sa amin, patuloy pa rin, e.

“Kasi, kahit na matagal kaming hindi rin nagkakausap, may times na tatawag siya, may times na magti-text ako, yung mga ganun, na parang walang nangyari, parang hindi kami matagal na hindi nag-usap.”

Bakit kaya sila nagki-click ni Angelica bilang magkaibigan samantalang tila magkaiba ang mga personality nila?

“Parehas kaming luka-luka. Luka-luka ako in a different level.

“Reserved kasi talaga ako ever since. Pero siguro ganun, opposite kami.

“Hindi naman kasi puwedeng demure kami pareho.

“Anong mangyayari sa amin, di ba? Ha! Ha! Ha!

“Siguro, nagkakapalitan kami ng energy.

“Actually, I’m more of a listener,” sambit ng 29-anyos na Kapuso actress.

Bale two nights (March 31 & April 1) ang Coldplay: A Head Full of Dreams Tour sa Singapore National Stadium.

From there ay tutuloy si Chris Martin and his band sa Manila leg nito sa April 4 sa MOA Concert Grounds.

Ang halaga rito ng VIP ticket (with VIP package &1 drink) ay P22,500.

Nito lang March 10 ay nanood si Angelica ng concert ni Adele sa Sydney, Australia, kasama ang kaibigan nitong direktor na si Andoy Ranay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Christmas gift ‘yon ni Angelica para kay Direk Andoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN