Piolo Pascual shrugs off negative comments about relationship with Shaina Magdayao

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual on negative comments about his relationship with Shaina Magdayao: "Yun nga, e, sinasabi nila, you can't force people to understand or you can't tell them this and that. Parang, at the end of the day, what's important is your relationship."


Hangga’t maaari ay ayaw nang magsalita ni Piolo Pascual tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Ito ay pagkatapos maging isyu ang pahayag niya noong “exclusively dating” sila ni Shaina, na agad namang nilinaw ng aktres sa hiwalay na panayam dito.

Kaya nang muling makausap ng entertainment reporters si Piolo sa presson ng bago niyang pelikula, ang Northern Lights: A Journey To Love, tipid na ang naging pahayag ng aktor nang matanong tungkol sa kanila ni Shaina.

Sabi ng 40-year-old Kapamilya actor, “Shine and I are okay.

“Napagalitan ako kasi napikon ako sa mga write-ups. 

“What’s important is we’re good.”

Ano ang mga nakapag-pikon sa kanya?

Paglilinaw ni Piolo, “Hindi, hindi… negative or positive, kanya-kanyang opinyon.

“Pero sa akin, bottomline is, basta happy kami.”

Bagamat kadalasan ay ipinagkikibit-balikat na lang niya ang ang negatibong write-ups o komento tungkol sa kanya, inamin ni Piolo na naaapektuhan pa rin siya ng mga ito.

Sa ngayon, ayaw nang mag-elaborate pa ni Piolo pagdating sa kanilang dalawa ni Shaina. Lalo na nga’t may mga negatibong komentong naglalabasan.

Aniya, “Yun nga, e, sinasabi nila, you can’t force people to understand or you can’t tell them this and that. 

“Parang, at the end of the day, what’s important is your relationship.”

Hindi naman na sinagot ni Piolo ang huling tanong namin kung totoong 'in a romantic relationship' na sila ni Shaina.

Tila nagpa-cute lang ito, ngumiti, parang magki-kiss at tinapos na ang interview.


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual
Piolo Pascual "exclusively dating" Shaina Magdayao
Shaina reacts to Piolo's
Shaina reacts to Piolo's "exclusively dating" revelation
Piolo Pascual happy about relationship with Shaina Magdayao
Piolo Pascual happy about relationship with Shaina Magdayao
Piolo clarifies relationship status with Shaina
Piolo clarifies relationship status with Shaina


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN