Klea Pineda happy for StarStruck batchmates who are active in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Klea Pineda on her showbiz career: "Lahat naman po ng artista, may time. Hindi porke't gusto mong sumikat, sisikat ka. Kailangang i-work mo rin. Kailangang ipakita mo sa tao na deserve mo."


Masaya ang StarStruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda dahil karamihan sa batchmates niya sa reality-based artista search ng GMA Network ay aktibo sa showbiz.

Si Klea ay regular na napapanood bilang si Muyak sa primetime series na Encantandia.

Aniya, “Yung iba po, nasa group na One Up.

“Masaya po ako para sa kanila. Nakita ko rin ang billboard nila.”

Masaya rin daw siya para kay Koreen Medina, na kontrabida ngayon sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa primetime series na Destined To Be Yours.

Sabi ni Klea tungkol kay Koreen, “Di ba? Sobrang happy ako sa kanya.

“Talagang ang ganda ng role po niya. Kahit naba-bash siya, ang ganda.”

Ang co-winner at ka-love team naman niyang si Migo Adecer ay kasama sa Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

Kumusta na sila ni Migo? 

“Okey naman po kami!” natawang sabi ni Klea.

“Pero kung bully po ang pag-uusapan natin, ‘yan po si Migo. Migo po ang pangalan niya.

“Pinaiiyak niya po talaga ako, noong StarStruck po.

“Pero ngayon, medyo nagbabago na siya.”

Ngunit giit niya, “Pero friends po kami ni Migo!”

Okey rin daw kay Klea kung hindi na si Migo ang maging ka-love team niya.

“Mas okey rin po na iba ang love team namin.

“Kasi ako po, parang mature roles yung ibinibigay sa akin po, di ba?”

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang manalo siya sa StarStruck. Hindi ba siya naiinip sa career niya?

Sagot ni Klea, “Hindi po, okey lang naman po na slowly but surely tayo.

“Okey lang naman po yung takbo ng career ko.

“Gusto kong mag-wait. Para mag-bloom din po ang career ko.

“Lahat naman po ng artista, may time.

“Hindi porke’t gusto mong sumikat, sisikat ka.

“Kailangang i-work mo rin. Kailangang ipakita mo sa tao na deserve mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEBUTANTE. Noong March 19, Linggo, ang aktuwal na 18th birthday ni Klea.

Pero sa Sabado, March 25, gaganapin ang kanyang Bohemian-inspired birthday party sa Nobu Hotel.

Ilang araw bago ang kanyang debut party ay humarap sa entertainment press si Klea noong Martes, March 21.

Naging emosyunal siya nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang gusto niyang makita at dumalo sa kanyang debut party.

Sagot ni Klea, “Ang lolo ko po... kaso wala na po kasi siya.

“He passed away po noong 2014.”

Nag-o-audition pa lang daw siya sa StarStruck nang pumanaw ang kanyang lolo, na sobra raw close sa kanya.

Sa mga artista naman, si Dingdong Dantes daw ang gusto niyang dumating.

Ngayong 18 na siya, gusto pa rin daw ni Klea na pangalagaan ang image niya.

Pahayag niya, “Minsan po, may sinasabi sa aking role na, ‘Mari-rape ka rito, hahalikan ka rito…’

“Para sa akin, hindi pa po puwede sa akin ‘yan.

“Pati po family ko, ayaw pa rin nila. Pati po parents ko, huwag muna.

“May time para diyan at get ko naman po ang point nila.

“Tanggap ko naman po na darating ako sa time na ‘yan, pero not now.”

Konektado rin ito sa pangarap niyang maging beauty queen. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN