Karen Davila hits back at netizen who called her "biased," "bayaran" and a "yellow journalist"

IMAGE Instagram (@iamkarendavila)

Find out ABS-CBN anchor Karen Davila's response to a netizen who called her "biased" and "bayaran." 


Sinagot ni veteran TV and radio broadcaster Karen Davila ang isang netizen matapos siyang akusahan nito na "biased, “bayaran,” at "yellow journalist."

Ito ay matapos mag-tweet ang ABS-CBN News anchor tungkol sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Sa Twitter, nag-react si Karen sa headline ng isang local broadsheet na nag-quote kay Pangulong Duterte sa sinabi nitong walang magagawa ang Pilipinas kung gusto ng China magtayo ng monitoring stations sa Scarborough Shoal, na tinatawag ding Panatag Shoal.

Rumesponde si Karen sa tweet: “...but we dont have to hand it to China on a silver platter..”


Isang netizen (@loverbogs) ang sumagot, na hinikayat ang mga DDS, o die-hard Duterte supporters, na kuyugin ang social media account ni Karen.

Tinawag pa niyang “biased,” “bayaran,” at "yellow journalist" ang Bandila anchor.


Sumagot dito si Karen, at tinawag na “sick” ang netizen.

Paliwanag pa niya, may mga kaibigan siyang sumusuporta kay Duterte, pero nagrerespetuhan sila kahit magkaiba ng opinyon.

Tweet ni Karen: “Gosh...you're sick. I have met supporters of the President who agree to disagree. I challenge a point...bayaran kaagad?”

Hindi ito ang unang pagkakataong inakusahan sa social media ng pagiging “biased” si Karen ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte. 

Noong Abril 2016, ilang linggo bago ng presidential elections, may netizens na umakusa sa  news anchor na biased ito, dahil ang mga pinakamahihirap na tanong ang ibinato nito kay Duterte sa ginanap na presidential debate.

Bilang depensa, nagkomento si Karen sa social media rin, na leading presidential candidate si Duterte noon at kaya nitong sagutin ang mahihirap na tanong.

READ: Karen Davila accused of being 'biased'; posts selfie with Duterte

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN