Is Agot Isidro's FB post alluding to President Duterte?: "Ihahanda na ba ang jetski, Sir?"

IMAGE Instagram (@agotisidro) / ABS-CBN News

Agot Isidro has this question on her latest Facebook post: "Ihahanda na ba ang jetski, Sir?" Is the actress-singer alluding to President Rodrigo Duterte?


Tila may pasaring ulit ang actress-singer na si Agot Isidro laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook account nitong Lunes, March 20, ni-repost ni Agot ang satellite photos ng Scarborough Shoal, lugar sa West Philippine Sea na pinag-aagawan ng Pilipinas at China.

Kalakip ng larawang ito ang impormasyon tungkol sa pagtatayo ng China ng artificial islands sa lugar, dahilan upang masira ang coral reefs sa paligid nito.

Caption ni Agot dito: “Just so you know. Ihahanda na ba ang jetski, Sir?”

Hindi tinukoy ng aktres kung sino ang "Sir" sa kanyang post.

Ngunit posibleng nakadirekta ito kay Pangulong Duterte, na nagpahayag noon sa isang presidential debate na sasakay siya ng jet ski patungong Spratlys (Scarborough Shoal) upang ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas mula sa China, buhay man ang kapalit.

Sa presidential debate na ginanap sa Dagupan City, Pangasinan, noong April 24, 2016, tinanong si Duterte, na noo’y isa sa presidential candidates, kung ano ang plano niya sa Scarborough Shoals kung manalo siya bilang Pangulo.

Tugon ng dating Davao City mayor, “Pag sinabi panalo tayo, ayaw ng China, I will not go to war.

“Pupunta ako sa China. Pag ayaw nila, then I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratlys, sa Scarborough.

“Bababa ako, sasakay ako ng Jet Ski dala-dala kung yung flag ng Pilipino at pupunta ako dun sa airport nila, tapos itanim ko.

“Then I would say, 'This is ours and do what you want with me, bahala na kayo.' I would stake that claim.

“Matagal ko nang ambisyon 'yan na maging hero din ako.” 

July 2016, inilabas ng Arbitral Tribunal ng United Nations ang ruling na ang Pilipinas ang may “exclusive sovereign rights” sa West Philippine Sea.  

Pero nitong March 19, 2017, Linggo, sinabi ni Pangulong Duterte sa isang speech na hindi niya mapipigilan ang China kung magtayo ito ng environmental monitoring stations sa Scarborough Shoals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What do you want me to do? Sir… ano bang gawin ko? Declare war against China?

"I can, but we’ll lose all our military and policemen tomorrow and we are a destroyed nation," pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang speech bago tumungong Myanmar para sa isang state visit.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ni Agot si Pangulong Duterte.

Noong October 2016 at tinawag ni Agot na “psychopath” ang Pangulo dahil sa paghamon nito sa US at European Union na itigil ang assistance sa Pilipinas.


Stories We Are Tracking

Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'
Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'
Agot stands firm on 'psychopath' post
Agot stands firm on 'psychopath' post
Agot draws flak, support over pyschopath comment on Duterte
Agot draws flak, support over pyschopath comment on Duterte
Agot Isidro will not be bullied
Agot Isidro will not be bullied


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN