Vicki Belo bashed after blaming Duterte government for malnourished zebras, giraffes in Palawan

IMAGE Vicki Belo Instagram

Hindi pa nagsasalita si Dra. Vicki Belo tungkol sa pangba-bash sa kanya ng ilang netizens dahil ibinunton nito ang sisi sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpayat ng zebras at giraffes sa isang sanctuary park sa Palawan.


Dinumog ng bashers ang Instagram account ng "doctor of the stars" na si Vicki Belo.

Ito ay matapos siyang mag-post kahapon, March 22, ng larawan ng zebras at giraffes sa Calauit Safari Park, sa Busuanga, Palawan.

Caption ni Belo sa larawan: “Can you believe that this is in the #philippines? These animals were donated to us during Marcos regime and have lovingly cared for until P-Noy administration.

“Unfortunately, since the Duterte administration came in, they have been forgotten and have not received any feeds for a month now.

“Please help save these beautiful #zebras and #giraffes.”

Ikinagalit ng ilang netizens ang pagbunton ng sisi ni Belo sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpayat ng mga nasabing hayop.


Kaagad namang binura ni Belo ang naturang post dahil sa mga galit na komento sa kanya ng ilang netizens.

Pinalitan niya ito ng ganitong post:

Ngunit marami ang nakapag-screenshot ng naunang post ni Belo, kaya kumalat na ito sa social media at nagpatuloy ang pagbatikos sa kanya.





OSANG SLAMS BELO. Isa sa bumatikos kay Belo ay ang aktres na si Rosanna Roces.

Sa kanyang Facebook, hinamon ni Rosanna si Belo na siya na lang ang bumili ng feeds para sa mga hayop sa sanctuary park sa Palawan.

Pasaring ng dating sexy star: “Ikaw na bumili ng feeds mayaman ka naman eh!!! Ako nagpayaman sa ‘yo, remember?”

Dating malapit na magkaibigan sina Belo at Rosanna ngunit ngayon ay matinding magkaaway dahil sa mga isyung kinasangkutan nila noon.

Si Rosanna ang isa sa mga unang endorser ng beauty clinic ni Belo.


Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Dra. Belo ngayong hapon, March 23, ngunit wala pa siyang tugon dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN