Rocco Nacino finally gets closure on relationship with Lovi Poe

IMAGE Rose Garcia

Rocco Nacino on past relationship with Lovi Poe: "Wala akong regrets kasi I gave my everything. Kapag gusto mong magmahal, magmahal ka nang todo-todo... If ever na mag-break, alam mo na wala kang kasalanan, malinis ang konsensiya mo."


Halos isang taon na ang nakalilipas mula pumutok ang balita tungkol sa breakup ng Kapuso stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino, ngunit ngayon lamang sila nagkaroon ng closure.

Ito ang inamin ni Rocco nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA primetime series na Encantadia noong Martes, March 21.

“May closure na kami ni Lovi,” nakangiting sambit ng aktor.

Nangyari raw ang pag-uusap nila sa pagmamay-aring restaurant ni Gabby Eigenmann sa Ortigas Center, ang Stockpile, kamakailan lamang.

Kuwento ni Rocco, “Si Kuya Gabby, nag-invite, parang nightcap lang, yung grupo namin sa Beautiful Strangers

“Nakita ko yung opportunity na mapag-usapan, i-open yung sa amin.”

Ang Beautiful Strangers ay ang primetime series ng GMA Network noong 2015, kung saan naging co-stars sina Rocco, Lovi, at Gabby. Kasama rin nila sa cast sina Heart Evangelista, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, at Benjamin Alves.

Pagpapatuloy ni Rocco, late na siyang dumating. Hindi na raw niya naabutan si Heart, at nalaman niyang nandoon pala si Lovi noong papunta na siya.

“Nag-usap na kami, umabot kami ng alas-kuwatro ng umaga.

“Pinag-usapan namin ang buong relationship, what went wrong… kumustahan din kami.

“It was very mature, very mature ang usapan.

“Pagkatapos, ano na, sobrang gaan.

“Yun pala ang feeling nun, pagkagising ko the next day, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.”

Inamin ni Rocco na nang magkita sila ni Lovi ay nakaramdam pa rin siya ng pagkailang.

Sino ang naunang bumati sa kanila?

Ayon sa StarStruck alumnus, “Sabay, sabay. Bumati ako, ako ang parating.

“Siyempre ako, mahilig akong humirit, e. Una, puro asaran lang.

“Tapos, sabi ko, ‘Puwede ba tayong mag-usap?’ Yun na yun.

“Napansin siguro nila Kuya Gabby, umuwi na sila.”

Naiwan daw silang dalawa ni Lovi sa restaurant.

MOVING ON. Sa parte ni Lovi, matagal na itong nakapag-move on sa breakup nila ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon na itong French-Filipino boyfriend, si Chris Johnson. 

Nakatulong ba sa pagmu-move on ni Rocco na kung si Lovi ay mayroon nang ibang boyfriend, siya naman ay may mga nakaka-date?

“Yeah, yeah,” pag-amin ng Kapuso actor.

“Gusto ko lang manigurado na sa next relationship ko, wala na akong dala.

“So, hopefully.”

Nang mag-usap sila ni Lovi, na-realize ba niyang hindi na puwedeng magkaroon ng part two ang relasyon nila?

Tugon ni Rocco, “Hmmm, ano... nakatulong kami sa isa't isa, sa mga buhay namin.

“Ready to move on naman ako. It was a good thing.”

Inamin ni Rocco na na-trauma siya sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Lovi.

“Naudlot nga ang relationship, di ba, hindi ako makapag-all out.

“Binibiro ko nga [si Lovi], ‘Na-trauma kasi ako sa 'yo,’ sabi kong ganun!

“Sinabi ko sa kanya. It's better to be open, di ba?”

Patuloy niya, “One year din ako na iba… okey na ako. 

“That was the lowest point in my life. Biggest heartbreak ko.

“Minahal ko, e. Binigay ko nang todo yun, e.”

SORRY… Nang sabihin niya kay Lovi na na-trauma siya, ano ang naging reaksiyon nito?

“Nagtawanan naman kami. Pero alam ko na naramdaman niya na nahihirapan ako noon.”

Nag-sorry sa kanya si Lovi?

“Nag-sorry siya, nag-sorry,” pagkumpirma ni Rocco.

Ano ang kailangang ihingi ng sorry ni Lovi sa kanya, yung iniwan siya?

“Oo… ayoko namang… pero ako yung nakipag-break na.

“Hindi ko na kaya yung… ramdam ko na.”

May iba na?

“Hindi, hindi yung iba…”

Nag-overlap ba ang relasyon nila ni Lovi sa relasyon ng aktres kay Chris Johnson?

“Ewan ko… nag-overlap ba kami?

“Wala na rin akong paki. 

“Nung mag-usap kami, nag-overlap man o hindi, kaming dalawa yun.”

Nang mag-break sila, in-unfollow nila ang isa't isa sa social media accounts nila.

Nag-follow na ba silang muli, tulad sa Instagram?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rocco, “Okey na yun, tapos na ako sa chapter na yun.

“Nakikita ko naman siya sa mga billboards ng Bench.”


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe
Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe
Lovi on breakup with Rocco: 'I'm always the problem.'
Lovi on breakup with Rocco: 'I'm always the problem.'
Rocco Nacino says breakup with Lovi Poe not mutual
Rocco Nacino says breakup with Lovi Poe not mutual
Lovi surprised by Rocco's statement about their breakup
Lovi surprised by Rocco's statement about their breakup

PART OF HIS LIFE. Naniniwala si Rocco na importante talaga ang pagkakaroon ng closure sa isang relasyon.

Saad niya, “Talagang kailangan... nagkaiyakan din.

“Kasi we never tackled about it. Kaya ang laking weight ng natanggal sa akin. 

“I can definitely say that she was part of my life.

“She has a very special part of my life.”

Halos dalawang taon ang itinagal ng relasyon nila ni Lovi. Ano ang natutunan niya rito?

Saad ni Rocco, “Wala akong regrets kasi I gave my everything.

“Kapag gusto mong magmahal, magmahal ka nang todo-todo.”

Kapag nagkaroon siya ng panibagong relasyon, todo-todo pa rin ang kaya niyang ibigay?

“Nasa age na ako na kailangan nang mag-all out. 

“Sa ipinapatayo kong bahay, may kuwarto na para sa mga bata!” natawang sabi ng 30-year-old actor.

“Para just in case, just in case… think long term, di ba? 

“If ever na gagawa ako ng bahay para sa sarili ko lang, gagastos pa ako para magpatayo ng kuwarto ng bata. All out na.”

Sa layout ng bahay na ipinapagawa niya ngayon, dalawang kuwarto raw ang nakalaan para sa mga magiging anak niya.

“For the meantime, closet muna yun,” sabi niya.

Kung magkakaroon siya ulit ng relasyon, ito na kaya ang makakatuluyan niya?

Sagot ni Rocco, “Yeah, tapos na ako sa ano, puro enjoy.

“Kaya yung nabili kong lote, yun ang ginagawan ko ng bahay ngayon.

“Like I've said, no regrets.

“If ever na mag-break, alam mo na wala kang kasalanan, malinis ang konsensiya mo.”

Handa na rin daw si Rocco na makatrabaho muli si Lovi kung sakaling pagsamahin sila sa isang proyekto.

“Ready naman ako, e. The whole time,” sabi niya.


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino considers breakup with Lovi Poe a 'blessing'
Rocco Nacino considers breakup with Lovi Poe a 'blessing'
Rocco Nacino picks up the pieces post-Lovi Poe
Rocco Nacino picks up the pieces post-Lovi Poe
Lovi Poe reacts to Rocco Nacino's misgivings about her
Lovi Poe reacts to Rocco Nacino's misgivings about her

PERFECT 30. Noong March 21 ay nagdiwang ng kanyang 30th birthday si Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan niya sa pagtuntong niya sa edad na ito, “Milestone, ang saya, perfect!

“It's perfect in a way na honor roll ako… with the project, the businesses, as an athlete.  

“This Friday, magku-compete ako for jujitsu.

Good to be back. Gonna go hard at training for next month's Pan Asian Open. Let's do this team. Oss.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

“At the same time, in acting, maraming projects na naka-lineup. Exciting!

“Sana matuloy ang project na io-audition ko. It's for a film na gagawin out of the country. 

“Sana gift na ni Lord sa akin.”

Isang international production daw ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN