Electric pole falls and smashes Arci Muñoz's van; actress not at the scene of the accident

IMAGE Instagram and Facebook photos of Arci Muñoz

"Thank God I survived this," says Arci Muñoz on the caption of the photos of her wrecked Starex van.


Nabagsakan ng natumbang concrete electric post ang sasakyan ng aktres na si Arci Muñoz, Huwebes ng gabi, March 23.

Ilang larawan ng insidente ang ibinahagi ng I Can Do That celebrity candidate sa kanyang Facebook account kaninang umaga, March 24.

Makikita rito kung paano nayupi ang puting Starex van ni Arci pagkatapos itong mabagsakan ng poste.

Sa caption, lubos naman ang pasasalamat ng Kapamilya actress-TV host dahil hindi siya nasaktan sa aksidente: “Thank God I survived this.”

Sa comment section ng post ay makikita ang pag-aalala ng ilang kakilala at followers para kay Arci.

Pero ayon sa Star Magic, ang talent arm na namamahala sa showbiz career ni Arci ngayon, walang dapat ikabahala dahil ligtas ang aktres.

Kasalukuyan daw nasa isang party sa isang mall sa Quezon City ang aktres nang mangyari ang aksidente.

Ang tanging nasa loob ng van ay kanyang driver at assistant, na parehong ligtas sa nangyaring aksidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN