Jake Cuenca raring to get back to work and training after his accident

IMAGE Noel Orsal

Not even an accident can stop Jake Cuenca from competing in the Ironman triathlon, just as he is raring to resume taping of his new teleserye as soon as his injured fingers are healed. "Tuloy pa rin pagsa-cycle, tuloy ang taping… definitely magi-ingat," he assures.


Hindi raw nakaramdam ng trauma o takot mag-training muli para sa Ironman triathlon ang aktor na si Jake Cuenca matapos siyang maaksidente noong March 14.

Nagba-bike ang aktor sa kahabaan ng Mall of Asia nang nagkabanggaan sila ng isang truck.

Read: Jake Cuenca hurt in a minor biking accident

Ayon kay Jake, “No, no way.

"Sabi ko nga sa coach ko, hindi ako na-discourage at all, tuloy pa rin sa triathlon, tuloy pa rin pagsa-cycle.

“Sabi nga sa akin ng doctor to take it easy, huwag masyadong mag-training, pero di ko mapigilan ang sarili ko, training pa rin.

“Definitely mag-iingat but… ito ang pinili kong sports, e, na sobrang normal ang aksidente, sobrang normal na may mangyari.

“It’s just a matter of time, nagkataon lang na nangyari ito this time around."

Dagdag niya, “Definitely may tine-taping akong show, mayroon akong soap na ginagawa so dapat doble ingat.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jake sa Manila House, BGC The Fort, naibahagi niya ang nangyaring aksidente sa kanya.
  
“I’m good, better, mas okay na.

"Akala ko mamamatay na ako dun. Pero okay pa, buhay pa…

"Naano lang, bike nung umaga, nagte-traning ako, tapos may biglang nag-stop na truck, nabangga ako.

“Pero tulad ng nasabi ko naman, accurate naman yung mga nilabas ng news.

“Kasalanan ko, kasalanan nung truck, walang problema.
   
“Gusto ko ring magpasalamat sa mga cyclists sa MOA, sa mga guards, tinulungan nila ako.

"So, thank you sa kanilang lahat."
 
Nabali raw ang dalawa niyang daliri, pero nilinaw niyang walang nabaling dalawang tadyang sa kanya.
   
“Two fractures in my hands, five screws, kinabit and everything.

"Ribs? No, nothing… stitches sa baba ko lang.

“Suwerte, at least yung moneymaker, okay pa rin, puwede pa ring mag-taping… two weeks muna na pahinga.”

IT HAPPENS. Wala raw balak si Jake na kasuhan pa ang driver ng truck na nakabangga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang problema yung truck.

“Only people who go to MOA can understand kung ano ang nangyari.

“Siyempre priority ang cyclists sa MOA, di kami sumusunod sa stop light, kasi priority, e. 

“Pag kotse, pag stop, stop. I cannot fault the truck.

“Nag-sorry nga siya sa akin. Sabi ko walang problema, normal lang ‘yan, it happens.”
 
Nagpapasalamat din si Jake sa lahat ng nagdasal at nagpadala ng mga mensahe para sa mabilisan niyang paggaling.
 
Aniya, “Thank you so much, I’m so overwhelmed with everyone’s concern.

"Thank you so much for everyone’s love.

“I appreciate every single tweet, every single comment.

"Thank you so much, especially ABS-CBN.

“Lahat nag-alala sa akin, so thank you so much.

"I just want everyone to know that I’m doing this for everyone.

“Ginagawa ko ito para sa show, please abangan ninyo ang Ikaw Lang Ang Iibigin.”
 
Magbabalik-taping na rin muli si Jake sa sandaling matanggal na ang benda sa kanyang kamay.

"Tuloy ang taping, next week pag tinanggal na ito, dire-diretso na ang taping," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN