Mocha Uson commentary program suspended due to offensive attacks against VP Leni Robredo

IMAGE Cyrus Panganiban for YES!

DZRH station manager Atty. Jularbal on suspension of Mocha Uson's radio show: "The way she handled her program did not conform to the company's standards. Until we are assured that the program will be conducted properly, we will not air it."

 


Kahapon, March 23, sinuspinde ng DZRH News Television ang commentary show ni Mocha Uson na Mocha Uson Blog: Boses Ng Ordinaryong Mamayanang Pilipino dahil sa hayagan niyang paninira at pagmumura kay  Vice President Leni Robredo.

Sa ulat ng CNN Philippines Online ngayong araw, March 24, nagsalita ang DZRH station manager na si Atty. Rudolph Jularbal tungkol sa pagsuspinde sa commentary program ni Mocha.

Sabi ni Atty. Jularbal, "The way she handled her program did not conform to the company's standards.

"Until we are assured that the program will be conducted properly, we will not air it."   

Dagdag ng abugado, kailangang kumuha at maipasa ni Mocha ang broadcaster’s accredited exam ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) bago muling payagang umere ang radio-TV show niya.

Ang mother company ng DZRH na Manila Broadcasting Company (MBC) ay bahagi ng KBP, isang non-government and non-profit organization na nagpapatupad ng “high professional and ethical standards” sa news programming at business practices ng mga miyembro nito.

Nakatanggap din umano ang DZRH ng mga reklamo mula sa mga tagapakinig ng kanilang istasyon.

MOCHA'S MARCH 18 COMMENTARY ON DZRH. Kaugnay ito ng pahayag ni Mocha laban kay VP Robredo, base sa March 18 live streaming ng commentary show ng singer-blogger sa DZRH. 

Sabi ni Mocha, “Kasi nga sinungaling ka at fake news ka… Huwag mong araw-arawin ang katangahan mo [expletive bleeped out]!

"Bumili ka ng utak at hindi mga mamamahaling damit! Nakakahawa na 'yang katangahan mo… Sobra lang talagang nakakagalit ang kabobohan ng babae na 'to..."

Ang maaanghang na salita ni Mocha ay may kinalaman sa video message ni VP Robredo hinggil sa extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte. 

Ipinalabas ang video ni VP Robredo sa isang side event sa 60th Session of the United Nations Commission on Narcotic Drugs, na isinagawa sa Vienna, Austria, noong nakaraang linggo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPLAINT VS. MOCHA ON KBP. Bukod sa pagsuspinde sa programa ni Mocha, nahaharap din ang sexy star-blogger sa hiwalay na reklamo ng isang hindi pinangalanang complainant sa KBP.

Ayon sa KBP executive na si Virgie Velasco, nakasaad sa reklamo ng complainant ang diumano’y paglabag sa Article 4 Section 2 ng KBP Code na nagsasabing: “Programs intended to malign, unfairly criticize or attack a person, natural or juridical, are prohibited.”

Nilabag din diumano ni Mocha ang Article 25 Section 5 ng KBP Code na nagsasabing: “Offensive, obscene, blasphemous, profane, and vulgar double meaning words and phrases are prohibited, even if understood only by a segment of the audience."

MOCHA'S STATEMENT. Sa kabilang banda, nanindigan si Mocha na hindi niya babawiin ang kanyang pahayag laban kay VP Robredo.

Pahayag ni Mocha sa ulat ng Aksyon sa News 5 kagabi, March 23: “Nirerespeto ko ang desisyon ng dzrh. But I still stand by with my statement.

“Kung ano man ang sinabi ko don, dahil b**** talaga si Leni Robredo.

“Sinungaling pa dahil yung mga sinabi niya dun sa video niya addressed to the UN body na yung patungkol sa palit ulo at mga statistics sa patayan sa Pilipinas.

“Kasinungalingan yun dahil hindi nila niresearch at I stand by what I said. B**** siya.”

Sunud-sunod din ang Twitter posts ni Mocha kung saan patuloy ang pambabatikos niya sa bise president ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN