Kylie Padilla posts birthday message for Aljur Abrenica

IMAGE Noel Orsal

Kylie Padilla posts a birthday message for fiancé Aljur Abrenica and expresses how special he is to her. 


Nag-post si Kylie Padilla sa kanyang Instagram account ng pagbati para fiancé niyang si Aljur Abrenica, na nagdiriwang ng kanyang ika-27 kaarawan ngayong Biyernes, March 24.

Sa caption, binanggit ni Kylie ang pagiging magkakampi nila ni Aljur, hindi lang bilang mag-partner, kundi bilang pinakamatalik na kaibigan.

Mensahe ni Kylie, “Happy birthday to my partner/ partner in crime, baby daddy and bestest friend.

"No matter where you are, how you feel and who you're with remember, we are here for you and love you. Us, Polar, Putot, Bruce and little Jellybean.

"Enjoy your special day but remember you're special everyday not just today."

Tila simple rin ang naging selebrasyon ng kaarawan ng aktor. 

Ngayong gabi, sa Instagram post ni Kylie, sinabi niyang ang birthday ni Aljur ay ipagdiriwang nila sa pamamagitan ng pagkain ng spaghetti at panonood ng Walt Disney movie. 

Party! Meaning eat spaghetti and watch a disney movie ???? @ajabrenica

A post shared by bulldog (@kylienicolepadilla) on

June 2014 nang maghiwalay ang dalawa ngunit nagkabalikan din sila noong November 2016.

Ipinagbubuntis ngayon ni Kylie ang panganay nilang anak ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN