Liza Soberano free to have boyfriend, says manager Ogie Diaz: "Mas magagalit ako kung magkaka-girlfriend siya."

IMAGE Noel Orsal

Liza Soberano's manager Ogie Diaz clarified that his ward is free to have a boyfriend: "Akala ni Liza nung una, nasa contract niya yun. Kasi hindi naman siya nagbabasa talaga ng contract. Kaya sabi ko, 'May contract tayo, hindi ka muna magbu-boyfriend.' Okey lang naman kung magka-boyfriend na siya."


Ayon sa manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz, okey na raw sa kanya na magkaroon ng boyfriend si Liza, dahil 19 anyos na ito.

At natupad na rin naman daw nito ang pangako sa sarili na bago siya magka-boyfriend ay magpupursige itong magkaroon ng bahay at kotse.

Naipundar na raw ni Liza ang mga yun at may sarili na rin daw itong negosyo.

Hindi raw totoo yung sinabi niya kay Liza noon na nakalagay sa kontratang pinirmahan nito sa kanya na bawal siyang magka-boyfriend.

"Akala ni Liza nung una, nasa contract niya yun.

“Kasi hindi naman siya nagbabasa talaga ng contract.

“Kaya sabi ko, 'May contract tayo, hindi ka muna magbu-boyfriend,'” natatawang sabi pa ni Ogie.

So, okey lang sa kanya kung sakaling sagutin na ni Liza si Enrique Gil? Hindi siya magagalit?

“Okey lang naman kung magka-boyfriend na siya.

“Mas magagalit ako kung magkaka-girlfriend siya,” biro pa ni Ogie.

OPEN TO DARNA ROLE. Dahil inamin na ni Angel Locsin na hindi na niya gagawin ang Darna dahil sa kanyang spinal condition, maraming naglalabasang mga bali-balita at spekulasyon kung sino ang magmamana sa kanyang trono.

Kabilang sa mga nababalitang napipisil ng Star Cinema para pumalit kay Angel ay si Liza Soberano.

Dahil dito, tinanong namin ang tumatayong manager ni Liza na si Ogie Diaz kung may offer nga ba kay Liza para sa role na Darna.

“Isa siya sa mga choices,” pagkumpirma ni ni Ogie.

Kung sakaling kay Liza ibibigay ang role ng epic heroine ay tatanggapin daw niya ito.

“Diyos ko, di ba nalaos na yung Dyesebel?

“Para ngang wala nang gustong mag-Dyesebel kasi nasisira ang kutis pag laging nasa ilalim ng dagat.

“Itong Darna, super hero, maraming may gusto na gumanap pa ring Darna.

“Imagine-in mo yung history ng mga gumanap na Darna, like si ate Vi [Vilma Santos], so kung si Liza ang mapipili for the role, siyempre tatangapin namin yun,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie at ng ilang entertainment press sa bonding/dinner na ipinatawag niya nitong nakaraang Biyernes ng gabi, March 24.

NO NEED FOR BEAUTY QUEEN TITLE. Pero kung okey lang kay Ogie na gawin ni Liza ang Darna, sinabi naman niyang hindi siya pabor sa pagsali ng dalaga sa Bb. Pilipinas.

Aware naman siya na maraming nagsasabi at nag-uudyok kay Liza na sumali ito sa nasabing beauty pageant, dahil maganda ito, may height, sexy at matalino.

Posible nga rin daw na manalo ito, at maiuwi niya ang title.

“Paano kung hindi siya manalo?

“Sa tingin ko, hindi niya na naman kailangang sumali sa Bb. Pilipinas dahil Liza Soberano na siya.

“At ang dami-dami niyang raket, kaya hindi niya na mabibigyan ng oras yung training para sa Bb. Pilipinas.

“Ang dapat sumali sa Bb Pilipinas, yung mga baguhan lang, na kung mananalo sila ay makakatulong sa kanila yung title,” katuwiran pa ni Ogie na kabilang din sa cast ng sitcom na Home Sweetie Home ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN